Kabanata 10

4.3K 56 0
                                    


Nahihiya akong pumasok sa restaurant kung saan kami kakain. Paano ba naman napaka elegante, at hindi ako bagay dito.

"Trina." Tawag sa akin ni Rage, nauna na pala itong nakapasok.

Inayos ko ang damit ko at pumasok na.

Umupo kami da pinakadulo. Iniabot sa akin ni Rage ang menu, nanlaki ang mga mata ko at napalunok dahil sa mga prices.

"Ah R-Rage, s-sa iba nalang kaya tayo? Ang mamahal naman kasi dito, hindi ko afford." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Mamili ka nalang, don't worry ako naman ang magbabayad, kaya nga kita niyaya." Sabi nito.

Hindi na ako nagsalita. Namili nalang ako, sinabi ko na sa waiter ang order ko at sinabi na din ni Rage ang sa kanya.

Nagtaka ako dahil parang pangdalawang tao ang pagkain na inorder niya.

"Ang dami mo naman atang inorder." Sabi ko.

"Hi I'm sorry I'm late."

Vivian?

Humalik ito sa pisngi ni Rage at naupo sa tabi niya. "Hi Trina, how are you?" Bati niya sa akin.

Ngumiti ako ng tipid. "A-ayos lang."

Oh shocks, akala ko kaming dalawa lang ni Rage. Hindi pala. Sana kung alam ko lang na kasama si Vivian di na dana ako pumayag, makakaistorbo lang ako sa kanila, at makikita ko ang sweetness nilang dalawa, masasaktan lang naman ako.

Nag-uusap na silang dalawa at ako naman ay tahimik lang doon hanggang sa dumating ang pagkain.

"Tikman mo ang pagkain nila dito, magugustuhan mo. Napakasarap ng pagkain nila dito kaya dito ang paborito naming pinupuntahan ni Rage." Sabi ni Vivian sa akin.

Ngumiti ako at tumango bago tinikman ang pagkain, naiilang pa ako dahil nakatingin sila sa akin, parang hinihintay ang magiging reaction ko.

Masarap nga iyon pero hindi ko ma-enjoy ang sarap dahil nga sa naiilang ako.

"Masarap nga." Sabi ko sakanila.

"I told you." Ani Vivian. "Let's eat baby." Aniya kay Rage. Di ko maiwasang tingnan sila, nagsusubuan pa sila.

Parang gusto ko ng umalis at iwan na sila pero nakakahiya at parang hindi na ako makatayo.

"Trina?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Trina ikaw nga." Masayang sinabi ni Caleb at nagulat ako sa biglang pag-upo niya sa tabi ko. "Hi Captain, Hi Vivian." Bati niya sa dalawa.

Tinanguan lang ito ni Rage at nginitian naman ni Vivian.

"What are you doing here Caleb?" Tanong ni Rage.

"Abo pa bang ginagawa sa isang restaurant? Kakain di ba?" Pilosopo nitong sinabi kaya natawa kami ni Vivian.

"Eh malay ko, kung pumasok ka lang dito para maki-ihi."

"Hindi ah, at tamang-tama mag-isa ko lang. So makikijoin na ako sa inyo." Itinaas nito ang isang kamay para tawagin ang waiter.

"Madaming upuan na bakante." Ani Rage.

"Dito gusto ko eh, dahil nandito si Trina." Nakangiting sinabi nito at tumingin sa akin sabay kindat.

Tumikhim ako at sa pagkain ko itinuon ang atensyon ko.

"Hayaan mo na siya Rage, para din naman may kasama si Trina." Ani Vivian.

"Exactly! Para hindi siya maging chaperone sa inyo. Ayoko namang naiinggit siya ano."

Nagulat ako sa biglang pag-akbay niya sa akin.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon