Kabanata 79

5K 33 0
                                        


"Ang rurupok niyo." Ani Yna sa amin.

"Wale eh, kami na talaga hanggang sa dulo." Ani Rage.

"Magpakasal na kayo, baka may biglang umeksena tuluyan na kayong mawala sa isa't-isa, tatagal na naman ang istorya niyo."

Inakbayan ako ni Rage. "Wag kang mag-alala malapit na." Anito.

Ano ang malapit na?

"At isa pa hindi ko na siya pakakawalan pa, at hindi ko hahayaan na may darating at manggulo ulit." Pagpapatuloy ni Rage.

"Wag niyo ng patagalin, para makarami kayo ano. Para may kalaro na rin ang second child ko." Ani Yna habang nakangiti.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"I'm preggy." Masayang sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Really? Oh my gosh, sana babae para may aayusan ako." Ani ko.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng gumawa, ibibigay ko — ouch!" Daing ni Rage dahil sa lakas ng pagsiko ko sa kanya.

"Kasal muna ano."

"Alam mo ba na ngayon ay anak muna bago kasal? Yun ang nakikita ko sa karamihan. Tingnan mo itong si Yna at Connor."

"Pwes syempre ang gusto ko ay magpakasal muna tayo bago tayo magkaanak ano." Saad ko.

"Kaya nga magpakasal na kayo, wag niyo ng patagalin." Saad ni Yna.

___

"Kung ikakasal tayo saan mo gusto?" Tanong ni Rage sa akin, ihahatid niya ako ngayon sa hospital.

"Pinaka-unang naisip ko ay beach wedding, then garden wedding, pero mas gusto ko nalang ang church wedding."

"Church wedding." Aniya at tumango.

"Bakit mo pala natanong? Don't tell me may balak ka ng mag-propose sa akin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Tiningnan lang niya ako at nginitian. Oh gosh! May balak nga ata ito, hindi na ako makapaghintay!

"Si Chelsea ba yun?" Tanong ni Rage sa akin ng malapit na kami sa entrance ng hospital. Si Chelsea nga at kausap si Justin. Maayos na kaya ang mga ito?

"Sinong kausap niya?"

"Justin."

"You know him?

Tumango ako. "Siya ata ang tunay na ama ng bata. " Ani ko. Bumaba ako ng kotse at bumaba din si Rage. Nilapitan namin ang dalawa.

"Magandang araw." Nakangiting bati ko sa kanila.

"Ikaw pala doc." Ani Justin.

"Kumusta na ang anak mo?" Tanong ko kay Chelsea.

"Maayos naman na sita, sa awa ng diyos ay bumaba na ang lagnat niya pero kailangan pa rin niyang manatili dito." Ani Chelsea

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Rage. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari.

"Na dengue kasi ang anak niya." Ani ko.

"Tutal nandito ka naman Rage, pwede ba kitang kausapin?" Tanong ni Chelsea kay Rage. Nagkatinginan pa kami ni Rage. "Don't worry, hindi na ako yung Chelsea na kilala niyo dati." Sabi nito. Pumayag naman si Rage na kausapin siya ni Chelsea.

"Nagkaayos na kayo?" Tanong ko kay Justin.

"Sa una tinanggihan ang tulong ko dahil hindi naman daw sigurado kung ako ang ama. Pinipilit ko siya kaya wala siyang nagawa at magpapa-DNA test kami kapag magaling na ang bata." Huminga ito ng malalim. "Parang ang laki ng pinagbago ni Chelsea, ibang-iba siya sa nakilala kong Chelsea dati." Saad nito.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon