"Oh my goodness Chelsea!" Muling nagtaas ng boses si Rage."I'm telling the truth! Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Magpacheck-up tayo bukas."
"Hindi pa ba sapat ang ultrasound na ito? My gosh Rage!"
"Sige sabihin na nating buntis ka nga pero sigurado ka bang akin yan? Mag-iisang taon na tayong hiwalay Chelsea, matagal na tayong hindi nagkakasama, paano kita mabubuntis?"
"Wala naman akong ibang nakasiping kundi ikaw lang, alangan naman na multo ang ama ng batang ito?"
"Oo, siguro nga multo." Singit ko sa usapan nila. "May hindi ka siguro nakikita na gumalaw sayo, marahil iyon ang ama." Ani ko.
"Wag kang makialam dito, usapan namin ni Rage ito. Pwede ba iwan niyo muna kami." Pinanlakihan ako ng mga mata ni Chelsea.
Nginitian ko siya. "Girlfriend ako ni Rage, kaya may karapatan akong marinig ang mga sinasabi mo lalo na at tungkol sa ipinagbubuntis mo."
"I'm sorry honey kung nangyayari ito." Ani Rage sa akin.
"It's okay, I trust you honey. Naniniwala ako sayo na hindi ikaw ang ama ng batang dinadala niya."
"Ilang beses ko bang sasabihin na si Rage nga ang ama." Nanginginig na sinabi ni Chelsea.
"Kung si Rage nga ang ama sige, hintayin niyo nalang na lumabas ang bata at ipa-DNA niyo para mapatunayan kung si Rage nga ang ama ng dinadala mo." Suggestion ni Gabriel na siyang sinang-ayunan namin ni Rage.
"Pero syempre, kailangan kong tumira dito." Ani Chelsea.
"What?" Gulat na bulalas ni Rage.
Ngumiti ako. "Hayaan mo siyang tumira dito Rage. Tumira na siya dito hanggang sa manganak siya." Saad ko.
"Are you sure?" Rage asked me.
Tumango ako. "Oo naman, patirahin mo na siya dito." Lumapit ako kay Rage at may ibinulong sa kanya. "Aalis na din naman tayo sa susunod na araw di ba, hayaan mo na siyang tumira na mag-isa dito." Bulong ko. Nakangiting tumingin ako kay Chelsea na masama ang tingin sa akin. "Matulog ka na dito ngayon kung gusto mo. May bakante pa namang kwarto dito, di ba honey?" Baling ko kay Rage. Halatang ayaw ni Rage pero wala na siyang nagawa.
"Bakit sa bakanteng kwarto pa ako, dapat sa tabi ako ni Rage." Mataray na sinabi niya.
"Bakit? Asawa ka ba niya para tumabi ka sa kanya? Past ka lang, ako ang present at magiging future wife." Kahit naiinis ay nakangiti pa rin ako. "Nakapagluto na ako, kumain na tayo." Ani ko at ikinawit ko ang kamay ko kay Rage, sabay na kaming pumasok sa kusina, sumabay na rin sa amin si Gabriel, si Chelsea naiwan pa, bahala siya kung kakain siya o hindi, hindi ko na siya tatawagin. Nagsimula na kaming kumain ay doon lang siya pumasok, padabog pa na iniusog niya ang upuan at padabog na umupo.
"Where's my plate and spoon?" Tanong niya.
Itinuro ko kung saan nakalagay ang mga plato at kutsara. "Kumuha ka, wala kang katulong." Ani ko.
She hissed at tumayo para kumuha ng plato. Nagdadabog na naman siya.
"Pwede ba? Nasa harap tayo ng hapag, wag kang magdabog dyan." Mahinahon na sinabi ko at inirapan ba naman ako.
"So dito ka matutulog?" Tanong ni Gabriel sa akin pagkatapos kumain. Kaming dalawa nalang ang nandito sa kusina, nagpunta na ng kwarto si Rage, si Chelsea naman ay nasa sala may kausap sa cellphone.
"Oo hindi ko hahayaang maiwan so Rage dito na kasama si Chelsea, may tiwala ako kay Rage pero kay Chelsea ay wala."
"Okay sige, wag na wag kang pakikipag-away ha."
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...