"Miss ayos ka na ba?"Napamulat ako dahil sa nagsalita. Isang mala anghel na lalaki ang nakatayo sa gilid ko.
Nasaan ako?
Nasa heaven na ba ako?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong may mga nurse at pasyente. Nasa hospital ako. Oo nga pala naalala ko nawalan ako ng malay at may sumalo sa akin.
"I-ikaw ba nagdala sa akin dito sir? Pasensya na po kayo sa abala." Sinabi ko.
Ngumiti siya. "Dalawa kaming nagdala sayo dito sa hospital, yung kasama ko ang sumalo sayo ng bigla kang mawalan ng malay, over fatigue ang dahilan kung bakit ka nahilo iyon ang sinabi ng doctor." Anito
Nanlaki ang mga mata ko, hala anong oras na?!
Hinawakan ko ang kamay ng lalaki at halatang nagulat ito, tiningnan ko ang oras sa relo niya.
Hala alas onse na ng gabi! Kailangan ko ng bumalik ng mansion!
Dali-dali akong tumayo.
"Teka lang miss, okay ka na ba? Kailangan mo munang magpahinga baka mahilo ka na naman." Sinabi nito at pinipigilan ako.
"Kailangan ko ng makabalik ng mansion, baka kasi nag-aalala na sila." Sabi ko pero napahinto ako dahil naalala ko wala pala akong pera.
Ngumiti ako at tumingin sa lalaki. "Pwede po bang favor? Ahmm may sasakyan ka naman po siguro di ba? Pwede po pahatid, wala po kasi akong pera." Nahihiyang sinabi ko.
"Sige ihahatid kita, pero kailangan mo munang magpahinga dito, kung gusto mo tawagan natin ang pwedeng tawagan para malaman nila nangyari sayo."
"Naku hindi na, okay naman na ako eh. Kailangan ko na talagang bumalik ng mansion." Sabi ko at sa huli naman ay pumayag na itong lumabas na ako.
"Pero yong pambayad pala ng hospital—."
"Don't worry nabayaran na."
"Ha? Hala nakakahiya. Pwede bang ibigay mo nalang number mo? Palitan ko nalang iyong bayad kapag may pera na ako."
"No need."
"Sige na sir, nakakahiya kasi, naabala ko kayo tapos kayo pang nagbayad and ihahatid niyo pa ako."
Huminga ito ng malalim at kinuha ang ballpen sa jacket niya at kinuha ang kamay ko para magsulat sa palad ko.
"Iyan ang number, tumawag ka nalang."
Tumango ako.
___
"Sir dito na po ako." Ani ko sa lalaki, inihinto nito ang sasakyan sa labas ng mansion ng mga Buenavista.
"Dito ka nakatira? Sa mga Buenavista? Ikaw ba ang nag-iisang anak nila?" Tanong nito. Kilala talaga ang mga Buenavista.
"Ah oo, hindi ako yung anak nila, si Patricia ang anak nila."
"Ahh so pinsan ka ni Patricia?"
Umiling ako.
"So?" Tiningnan ako nito.
"Katulong po nila ako." Ani ko, hinihintay kong magulat ito sa sinabi ko pero wala akong nakitang reaction niya.
"Okay, gusto mo bang samahan na kita sa loob para ako na magpaliwanag sa nangyari kung papagalitan ka man."
"Hindi sir, okay lang. Mababait naman po sila. Maiintindihan nila ako."
"By the way what is your name?"
"Katrina po, or Trina nalang."
Inilahad nito ang kamay niya. "I'm Darwin" pakikilala nito.
Nahihiyang nakipagkamay ako sakanya. "Thank you sir Darwin sa paghahatid, at sa pagtulong kanina sa akin. Paki sabi na din po sa kasama niyo na salamat."
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...