Kabanata 16

3.3K 34 0
                                    


Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko, hindi ko alam kung bakit. Napakasakit pa ng ulo ko.

Kahit kumikirot ang ulo ko ay pinilit ko ang sarili ko na gumalaw. Nagluto ako ng almusal para hindi ako mapagalitan ni nanay.

Naramdaman kong nagising na si nanay at lumabas ng kwarto niya. "Ramdam kong maganda ang araw ko ngayon. Ramdam kong swerte ako ngayon sa sugal." Sabi nito at dumiretso sa lababo para maghilamos.

"Siya nga pala Trina, wag ka ng bumalik sa mga Buenavista. Hindi ka na magtatrabaho doon."

"B-bakit po?"

"Basta sundin mo ang sinabi ko, hindi ka na babalik doon, dahil may pera na ako. Dito ka na tumira." Sabi niya.

"Pero nay."

Malakas na ibinagsak nito ang tabo. "Sabi ng sundin mo ang sinabi ko! Dito ka na, hindi ka na babalik doon! Naiintindihan mo?! Wah mong sirain ang araw ko." Sabi niya at padabog na umalis.

Hindi na ako nakapagsalita. Bakit ganun nalang ang decisyon ni nanay? May pera siya? Saan naman siya nakakakuha ng pera niya?

Napahawak ako sa upuan, dahan-dahan akong umupo, nahihilo ako, ang sakit ng ulo ko.

Kahit masama ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako. Kailangan kong pumasok.

"Good morning Trina." Bati ni Yna sa akin, sinalubong ako nito.

"Good morning."

"Bukas na pala magsisimula ang practice natin, excited na ako." Sabi nito at sumabay na sa akin na naglalakad sa lobby ng University.

Ngumiti lang ako. Nanghihina kasi ako.

"Are you okay? You look pale." Sabi nito.

"Oo, okay lang ako." Sabi ko.

"Nabalitaan ko yung nangyari kahapon, galing ata sa impiyerno ang Sara na iyon, sobra siya." Anito.

Napahinto ako, umiikot na kasi ang paningin ko. Hinawakan ako ni Yna. "Trina okay ka lang ba talaga? Umupo ka na muna." Inalalayan ako nitong umupo sa upuan. "Hindi ka okay, pinagpapawisan ka oh. Tara na sa clinic." Nag-aalalang sinabi nito.

Umiling ako. "H-hindi na, hindi na. 5 minutes magiging okay din ako." Nanghihinang sinabi ko. Sumandal ako at pumikit habang pinapaypayan ako ni Yna.

"What happened?" Tanong ng kung sino.

Boses iyon ni Gail. Hinawakan nito ang kamay ko. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako, 5 minutes lang." Sabi ko habang nakapikit pa rin.

Nagmulat na ako ng mga mata ko at umayos ng pagkakaupo, naging okay ang pakiramdam ko, may pag-aalala sa mukha ng dalawa.

Ngumiti ako. "Okay lang ako." Sabi ko. "Tara na, magsisimula na ang first class natin, inalalayan nila ako sa pagtayo.

"Katrina." Tawag sa akin ni Patty. Masayang lumapit ito sa amin.

"Excited na ako, ilang araw nalang sa bahay ka na uuwi." Anito.

Nawala ang mga ngiti ko sa labi. Hindi ko ipinahalata yun sa kanya. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na ako babalik. Siguradong magtatampo siya sa akin.

___

"Katrina tawag ka ni Mrs. Parker sa opisina niya." Sinabi sa akin ni Gail.

Kumunot ang noo ko.

Bakit kaya?

Kumatok agad ako sa pintuan ng office ni Mrs. Parker pagkarating ko doon.

"Come in!"

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon