"Until 6:30 pm ang klase ko ngayon, so okay lang sa akin na mauna ka na, ayokong maghintay ka ng dalawang oras." Sabi ko kay Patty sa kabilang linya. "Sige mag-iingat ka, kailangan ko ng pumunta sa next class ko, late na ako ng 5 minutes." Sabi ko at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator.Bakit kasi sa ikalimang palapag pa ang room eh. Hindi sana ako gagamit ng elevator kung hindi ako late, nasanay kasi akong maghagdan.
Pabilis ang ginawa kong pagpasok sa elevator, ako lang mag-isa, pinindot ko kung saang floor magsasara na sana iyon pero may kamay na humarang kaya nagbukas.
Isang familiar na lalaki.
Siya yung kasama nina Rage sa canteen.
Tyron? Oo Tyron na pinsan ni Rage.
Pinindot nito ang floor kung saan siya pupunta. Nabalot ang katahimikan, hindi ako mapakali dahil late na talaga ako.
At bakit ba parang ang tagal ng pag-akyat ng elevator na ito?
Napakapit ako sa gilid dahil biglang umalog ang elevator at nawalan ng ilaw!
"Sh*t." Narinig kong sambit ng kasama ko.
Napatili ako dahil biglang bumagsak ang elevator at na stock! Napaupo ako dahil medyo nahilo ako, sumasabay pa ang kaba ko.
"Oh my gosh, hindi pa naman siguro ako mamamatay ano." Sabi ko habang nakapikit, nanginginig na rin ako, Sumiksik ako sa pinaka-gilid.
Hinawakan ng lalaki ang kamay ko. "Hey relax, open your eyes, huminga ka ng malalim, relax." Sabi niya.
Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. May ilaw na pero hindi gumagana ang elevator. Inalalayan ako nitong tumayo.
Huminga ako ng malalim para medyo mawala ang kaba ko.
"Hello? Na stock kami dito sa elevator, Medical Department." Sabi nito sa kausap. "Okay thank you."
May tinatawagan pa siya pero napamura ito dahil nag-off ang phone niya.
He looked at me.
"Can I borrow your phone?"
Ibinigay ko naman ang cellphone ko, may idinial siya doon pero natigilan siya at kumunot ang noo niya. Napatingin siya sa akin pero hindi na siya nagsalita, kinausap nalang niya ang tinawagan niya pagkatapos ay ibinalik na niya sa akin.
Nakarinig kami ng kaluskos, mas lalo akong nakahinga dahil nandyan na ang mga tutulong, bumukas ang elevator, napatingala kami, nandoon ang mga securities at sina Rage.
"Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Connor.
"Yeah." Simpleng sagot nitong kasama ko na si Tyron.
Iniabot ng securities ang kamay nila.
"You first." Sabi sa akin ni Tyron, hinawakan ko ang kamay ng securities at nabigla ako sa paghawak ni Tyron ng beywang ko para buhatin tsaka nila ako hinila.
Inalalayan ako nina Connor na makatayo. Inalis ko ang mask ko dahil naiinitan ako.
Nagulat ako dahil sa biglang paghawak ni Rage sa mukha ko.
Oh shocks!
Agad kong isinuot ang mask! Ang tanga ko!
"Bakit ka may pasa?" Tanong niya. Nilingon ko sina Connor, mabuti nalang hindi nila nakita at di narinig ang sinabi ni Rage dahil kausap nila ang securities.
Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang oras sa relo ko.
Oh no!
"K-kailan ko ng pumunta sa next class ko, super late na ako. Thank you sa inyo." Paalam ko at tumakbo na.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...