Nagpunta muna ako sa court bago pumasok sa klase ko, tutal maaga pa naman.Gusto kong makita si Rage para good vibes ako sa araw na ito.
Pumasok ako pero walang katao-tao.
"Wala pa kaya sila?" Bulong ko, uupo nalang muna ako sa gilid para hintayin nalang sila.
Sampung minuto nalang magsisimula na ang klase ko, wala pa sina Rage at ang grupo niya.
Baka nasa kanya-kanyang klase na sila.
Napasimangot ako.
Sayang hindi ko siya makikita ngayong umaga. Pero for sure mamaya makikita ko siya.
Lalabas na sana ako ng court pero nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan ko ngayon, may naghahalikan sa likuran, ang wild pa nila.
Wait!
S-sina Rage iyon ang ang girlfriend niya.
Napatutop ako ng bibig ko.
Huminto sila, marahil naramdaman nila ang presensya ko.
Yumuko ako. "P-pasensya na hindi ko sinasadyang makita. S-sige ituloy niyo lang." Sabi ko at patakbong lumabas.
Humihingal ako ng makarating ako ng department namin. Hinawakan ko ang dibdib ko, napakabilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa pagod.
Nalungkot ako bigla at nasaktan dahil sa nasaksihan ko, nagseselos ako. Crush na crush ko si Rage eh.
"Gaga wag kang magselos, hindi ikaw ang girlfriend Trina, tagahanga ka lang." Sabi ko sa sarili ko.
"Sinong kausap mo?"
Muntikan na akong mapamura dahil sa gulat.
"Gail naman, wag kang manggulat." Sabi ko.
"Tinatawag kita kanina ah, pero di mo ata narinig, ang bilis mong tumakbo."
"Huh? Ah sorry hindi ko nga narinig. Tumakbo na kasi ako dito dahil baka malate ako." Katwiran ko at sabay na kaming pumasok ng room.
Masama ang tingin sa akin ni Sara pagkapasok na pagkapasok, umiwas nalang ako ng tingin at iniwasan kong mapadaan sa tabi niya kaya naman sa pinaka gilid ako dumaan.
"Buti naman naisipan mong isumbong si Sara?" Bulong ni Gail.
"Hindi ako ang nagsumbong, si Rage." Sabi ko.
"Rage? You mean Rage Aldeguer, nakita niya ba ang ginagawa ni Sara sayo?"
Tumango ako.
"Really? Oh my gosh, tinulungan ka ng isang Rage Aldeguer?" Di makapaniwalang sinabi nito. "How sweet, mabuti nalang at siya ang nakasaksi, kung iba iyan tiyak walang magsasalita." Umiiling nitong sabi.
Nakasimangot na sumandal ako, tuwing pipikit kasi ako yung nakita ko kanina ang nakikita ko.
Bakit ba kasi humanga ako sa may girlfriend?
____
"Patty pwedeng hintayin mo ako? May kakausapin lang akong tao." Sinabi ko sa kabilang linya.
"Okay, hintayin ka namin dito sa sasakyan." Sabi nito.
Pagkatapos kong makipag-usap at tumakbo ako papunta sa grass court para hanapin doon si Connor, tatanungin ko siya tungkol sa kwintas.
Tumayo na muna ako sa gilid dahil busy pa sila sa paglalaro ng tennis ng matapos na ay naisipan kong lapitan na si Connor.
Muntikan pa akong matumba dahil may apat na babaeng tumulak sa akin, patakbo ang mga itong lumapit sa pakay ko.
"Hi Connor, tubig oh."
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...