"Baby okay ka na ba? Bakit ka bumangon agad?" Nag-aalalang sinabi ni Caleb at nilapitan ako.
"M-medyo okay na ako. A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"They want to see you, si Yna at Gail lang naman tinawag ko pero narinig kasi nila kaya ayan sumama sila." Ani Patty.
"Gusto ka naming bisitahin para malaman ang kalagayan mo. Mabuti nalang wala ang nanay mo, baka nagka world war 3 na." Saad ni Darwin.
"May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang." Tanong ni Tyron sa akin.
Umiling ako.
"Insan babalik ako mamaya ha, mabuti nalang nandito mga kaibigan mo para may kasama ka, at tapos na kaming magluto, pwede na kayong kumain." Sabi ni Carol at nagpaalam na, kailangan kasi niyang asikasuhin ang mga kapatid niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Rage ,Tyron at Caleb ng nasa mesa na kami. Paano ba naman ay nagdedebate sila kung anong dapat kong kainin.
Hindi naman makakain ng husto ang iba dahil nga sa tatlo, ang dami pa nilang nilagay sa plato ko na akala mo naman ay makakain ko lahat.
Hinawakan ni Tyron ang kamay ko. "Kumain ka na.", Sinabi nito sa akin.
Natahimik ako. Naalala ko ang nangyari nung tulog ako, may kamay ng lalaki na humawak sa akin doon at naalala ko ang sinabi niyang 'kuya' hindi ko siya nabosesan.
Napatingala kami sa taong nag-alis ng plato ko sa harapan ko.
"Ito nalang ang kainin mo, kaysa mag-away ang tatlo ay ako nalang ang sundin mo, mas masustansya pa ang mga iyan. Eat this." Wika ni Connor na kararating at may inilapag sa harapan ko.
Hinawak nito ang kamay ko. "Pagkatapos uminom ka na ng gamot." Anito.
Wait...
Sa paghawak niya ng kamay ko, ng madama ko ang kamay niya. Bakit familiar ang paghawak niyang iyon sa akin.
Hindi kaya siya yun?
Impossible, kararating lang niya eh, at sigurado akong panaginip lang yun.
Nagkibit balikat nalang ako at tahimik na kumakain. Sina Gail, Patty at Yna lang ang maingay sa amin, natatawa ako sa kanila.
Lihim akong napangiti, ang saya ko lang kasi dahil may mga naging kaibigan ako na very concern sa akin at sila lang ang nagpapasaya sa akin.
___
Napangiti ako dahil kay Patty, paano ba naman kung makatitig kay Darwin wagas, at kinikilig pa siya kapag kinakausap siya ni Darwin.
Padilim na pero wala pa atang balak umuwi ang mga ito, nag-enjoy na sila sa pagkwekwentuhan.
Tumingin ako kay Rage, kanina pa siya tahimik at busy sa cellphone niya. Kumusta kaya sila ni Vivian? Ipinaliwanag na kaya niya kay Vivian ang tungkol sa kumalat na naman na litrato?
Tumayo siya at lumabas.
Tumayo ako para sundan siya.
May kinakausap siya sa phone kaya hindi ko na muna siya nilapitan, pagkatapos niyang makipag-usap ay nilapitan ko na siya.
Napahaplos ako sa braso dahil nilalamig ako.
"Ayos ka lang ba?" Pagkuha ko ng atensyon ni Rage.
"Yeah, bakit ka lumabas? Malamig mas lalo kang magkasakit." Sabi niya, inalis niya ang jacket niya.
"Hindi ok lang, kukuha nalang ako ng jacket ko.", Sabi ko sa kanya ng iabot nito iyon. Hindi siya nagsalita, bagkus ay ipinatong niya sa akin ang jacket niya. Iniharap niya ako sa kanya at inaayos ang jacket.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...