Kabanata 57

2.8K 36 0
                                    


Gusto kong lamunin na ako ng inaapakan ko, parang ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay. Pagbukas na pagbukas ko ay siya pa ang nakita ko. Rage! Si Rage lang naman ang nasa harapan ko, may kausap siya sa phone niya, mahigpit na napahawak ako sa doorknob ng lingunin niya ako. Nanlalambot na ako.

Nagulat siya, totoo gulat siya ng makita niya ako, habang hawak ang cellphone niya na nakadikit sa tainga niya ay nakatingin siya sa akin, nanginginig na ako. Pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa at parehong hindi makapagsalita.

But Rage is the first one who look away. Naglakad siya papunta sa gilid. "Y-yes I'm still here, I'm sorry." Aniya sa kausap niya.

Kahit lumayo siya ng kaunti ay hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko ng lumabas pero parang napako ang mga paa ko. Hindi ko tiningnan si Rage, ayokong tingnan siya.

"Katrina let's go, magsisimula na."

Hindi ko alam pero biglang nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating ni Grego. Napunta kay Rage ang tingin ni Grego, nakita ko ang pagtango ni Grego siguro ay nakatingin si Rage sa kanya. Nilapitan ako ni Grego at hinawakan sa kamay.

"Nanlalamig ka." Bulong niya.

"Let's go, parang hindi ko kakayanin kung nanatili pa ako dito." Bulong ko naman. Nakahawak ang isang kamay ni Grego sa kamay ko at ang isang kamay niya ay sa beywang ko, mabuti na yun dahil baka matumba ako ng wala sa oras.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin si Rage, nakikipag-usap pa rin siya sa phone pero di ko kayang salubungin ang mga matatalim na tingin na ipinupukol niya sa akin.

I knew it! He's angry!

"Relax and concentrate." Bulong ni Grego sa akin. Pilit kong inaalis sa isipan ko si Rage, pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga matatalim na tingin na ibinigay niya sa akin kanina. Bago kami magsimula ay mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko si Rage na naglalakad at huminto sa table kung nasaan ang mommy at girlfriend niya.

Mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang paghalik niya sa pisngi ng girlfriend niya. Napapikit ako, ng magsimula na ang tugtog ay gumalaw na kami ni Grego, sinasabayan lang namin ni Grego ang tugtog, nagpapasalamat ako dahil natapos namin ang pagsayaw ng walang problema, ang ikinagulat ko lang ay ang biglang paghapit ni Grego sa akin kaya naman nagdikit ang katawan namin,. napakalapit ng mukha niya sa akin. Natahimik ang lahat!

Nagtatakang tiningnan ko siya.  Ngumiti siya at kumindat. Hinawakan niya ang mukha ko at hahalikan niya ako?! Shocks! No! Narinig ko ang pagsinghap ng lahat. Pero hindi, hindi niya ako hinalikan, kunting-kunti nalang ay lalapat na ang mga labi niya sa akin.

"Wag kang gagalaw, 1 minute. Hayaan mong paniwalaan natin silang hinalikan nga kita." Bulong niya.

"Bakit?"

"Wala lang."

Mahinang natawa ako. "Baliw ka." Bulong ko. Naghiwalay lang kami ni Grego dahil sa hiyawan ng mga tao, pumapalakpak pa sila, halatang kinikilig. Nahihiyang ngumiti ako sa kanilang lahat. Dumako ang tingin ko kay Rage na nakatalikod sa amin at nakaharap siya sa girlfriend niya, hindi nakaligtas sa akin ang pagiging sweet nilang dalawa.

"Dance for all ,everyone?" Saad ng emcee at nagpatugtog ng mga love songs kaya naman nagsayawan na ang mga may hindi single, oo ang mga mag-aasawa, pinangunahan nina mommy at daddy.

Hinawakan ko ng mahigpit si Grego ng mapadaan kami sa table nina Rage, inalalayan ako ni Grego na makaupo dahil ang sakit na ng paa ko, kumikirot na eh.

"We didn't see it coming. Kayong dalawa may itinatago talaga kayo sa amin." Ani ni Patty sa amin ni Grego."

"Wala." Sabay na sagot namin ni Grego.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon