3 YEARS LATER"Hey little boy are you okay?" Tanong niya sa batang umiiyak, halatang nadapa ito. Tinulungan niya itong tumayo at pinagpag ang damit niya. "Where's your mom or your dad. Where are they?" Tanong niya ngunit patuloy lang ito sa pag-iyak.
"Son! Oh my gosh son! I thought you're following us." Ani ng isang ginang na lumapit sa kanila at niyakap ang anak at tumingin sa babae. "Thank you doc."
The doctor smiled.
"Doctor Parker, your patient in room 14 was looking for you." Ani sa kanya ng isang nurse. Tumango naman siya at nagpaalam sa bata at sa ginang.
"Naku ano na naman po ang kailangan ni lola?" Tanong niya sa pasyente niyang Pilipino.
"Iha kailan ba ako makakalabas dito, nabuburyong na ako, gusto ko ng umuwi."
Inayos niya ang kumot nito. "Makakalabas po kayo kapag sinusunod niyo po ang sinasabi namin." Aniya at itinaas ang unan nito. "Kagaya po nitong gamot hindi niyo na naman po ininom, itinago na naman ninyo, paano po kayo gagaling?"
"Eh kasi naman papatayin ako ng mga gamot na iyan."
"Think positive lang po kasi, hindi po kayo mamamatay, gamot po iyan sa sakit niyo."
"Iha sya nga pala nandito yung apo ko, yung matagal kong sinasabi sayo na irereto ko, dumating siya." Masayang sinabi ng matanda.
"Lola iniiba niyo ang topic natin."
Hinawakan ng matanda ang kamay niya. "Pero iha nandito ang apo ko, bagay kayo. Lumabas lang siya saglit, baka parating na yun kaya wag kang aalis."
"Naku lola wala akong oras sa pakikipagdate."
"Pero iha tiyak na magugustuhan mo ang apo ko, ayan na pala siya. Justin ito ang magandang doctora na sinasabi ko na ipapakilala ko sayo." Anito sa taong nasa likuran niya,.
Hinarap niya ang taong iyon at nagulat siya dahil familiar sa kanya ang lalaki.
"Miss Parker."
"Mr. Suarez?"
Ngumiti ang lalaki. "Isa ka palang doctor."
Nginitian naman niya ang lalaki at tumango.
"Magkakilala kayo?" Tanong sa kanila ng matanda.
"Oo lola, nakilala ko na siya sa Pilipinas." Ani Justin.
"Kumusta?" Tanong ni Katrina sa kanya.
"Lola sa labas nalang muna kami ha." Ani nito sa lola niya, nagpaalam na din ako at sabay kaming lumabas.
"Nakita mo na ba siya? Magkasama na kayo?" Tanong ni Trina.
Umiling ang lalaki. "Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Pinuntahan ko ang lugar pero wala sila doon."
Bumalik sa ala-ala niya ang pag-uusap nila ng lalaki noon.
"Justin Suarez siya nalang ang huling hahanapin natin. Isang araw nalang aalis na ako, kailangan na mahanap na natin siya." Ani Trina kay Grego.
"May kilala akong Suarez, baka relatives nila yan. Pumunta tayo doon."
Pagdating nila sa lugar ng mga Suarez ay hindi sila nagkamali ng pinuntahan dahil nandoon nga si Justin Suarez.
"Kilala mo ba ito?" Tanong ni Trina kay Justin at may ipinakitang litrato.
"Chelsea?"
"Siya nga, si Chelsea. Naging girlfriend mo ba siya?"
"No, well I know her, pero hindi naging kami."
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...