"Babalik nalang po ako mamaya." Ani ko sa tito ni Connor at nagpaalam na. Bumalik ako sa court , mamaya ko nalang kausapin si Mr. Parker. Pagbalik ko ay kasisimula palang ng laro."Bakit bumalik ka agad?" Tanong ni Yna.
"Wala kasi si Mr. Parker eh." Ani ko. Hindi mawala sa isipan ko ang tattoo ng tito ni Connor. Parang nakita ko na talaga yun, familiar talaga sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan at kailangan ko nakita iyon? Pero bakit parang napaka-big deal sa akin ang tattoo na yun, eh tattoo lang naman yun. Hayy ano ba.
Itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga naglalaro. Kagaya nung first game ay naghahabulan sila ng score, pero ramdam ko na sina Rage talaga ang mananalo dito.
Sa kalagitnaan ng laro ay nagkakainitan na ang mga players ngunit pinipigilan lang nila ang kanilang sarili dahil baka magkagulo pa doon, lalo na sa pagitan nina Rage at Garth. Ilang beses pa silang na foul.
Inilibot ko ang paningin ko, madaming babae ang nanunuod. Sino kaya sa kanila ang babaeng tinutukoy ni Rage sa akin kagabi? Ang babaeng gustong-gusto niyang makita na manunuod sa laro nila? Magaganda lahat ang mga babae dito, pero halos familiar dahil ang mga babaeng nandito ay mga babaeng humahanga kay Rage at fans ng RimShot.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Gail ng mapansin nitong lumilinga ako.
"Wala." Nakangiting sinabi ko.
"Patty is not here, for sure nasa pool area yun." Ani naman ni Yna.
'Yeah she's watching Darwin ano pa nga ba." Ani naman ni Gail.
"Trina watch out!"
Nagulat ako dahil sa pagsigaw na yun, sigaw yun ni Rage. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang bola ay papunta sa akin, matatamaan ang mukha ko!
Napapikit ko pero walang tumama sa akin na bola kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nakatayo si Connor sa harapan ko at hawak niya ang bola, sinalo niya yun.
Nakita ko ang itsura ni Connor, parang nasasaktan ito. Naalala ko, hindi pa magaling ang isang kamay nito at ito pa ang ginamit niya upang masalo ang bola.
Tumayo ako maging si Yna. "Connor ayos ka lang?" Sabay naming tanong ni Trina. Ibinato ni Connor pabalik ang bola kina Rage.
"What do you think you're doing Garth?!" Galit na tanong ni Rage kay Garth at kinwelyuhan ito.
Itinaas ni Garth ang dalawang kamay bilang pagsuko at nakangisi ito. "I'm sorry! Hindi ko alam na kay Trina pala pupunta ang bola!" Malakas na sinabi nito.
"Kitang-kita namin na sinadya mong ibato ang bola papunta kay Trina!" Saad naman ni Caleb. So si Garth ang may kagagawan nun?
Napasinghap kami ng makita naming ikinuyom ni Rage ang kamay niya at akmang susuntukin si Garth pero nagulat kaming lahat dahil sa pagsigaw ni Connor.
"Stop it Rage!" Bumaba si Connor at nilapitan ang mga ito pero mas lalo kaming nagulat dahil si Connor ang sumuntok kay Garth, ginamit pa nito ang kamay niyang injured.
"Connor!" Bulalas namin. Halata din kina Rage na nagulat ang mga ito. Hindi makapaniwala na si Connor ang sumuntok kay Garth. Bumaba kami nina Yna para lapitan sila.
"Kaysa ang maalis ka sa team ay ako na ang susuntok sakanya. Matalim na tingin ang ibinigay nito kay Garth. "You! Pasalamat ka hindi natamaan si Trina, dahil kapag nagkataon sinisiguro ko sayo hindi ka na sisikatan ng araw." Anito kay Garth.
Tumawa si Garth at tumingin sa akin. "You are a very special to them, bakit kaya?" Natatawang umiling ito.
"Enough, magsibalikan na kayo sa upuan niyo, at ipagpatuloy na ang laban. Rage hindi ka na muna maglalaro, kailangan mo munang magpalamig." Ani ng coach nina Rage. Walang nagawa si Rage kundi sundin ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Novela JuvenilSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...