"Mommy!" Masayang ani ni Kyron at tumakbo papalapit sa kararating lang.Mommy? Siya ang mommy nila?
Napatayo ako ng maisip na siya ang tunay na ina ni Rage.
"How are you sweetie? I forgot to buy you a pasalubong." Sabi ng ginang kay Kyron.
"Mommy kuya is here and he's with ate Trina his girlfriend." Turo ng bata sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong girlfriend ako ng kapatid niya.
Tumingin sa akin ang mommy niya at ngumiti. "Sweetie can you call kuya for me?"
"Yes mommy." Masiglang sinabi ng bata at umakyat.
Kinakabahan ako ng kaming dalawa lang ang naiwan.
"Have a seat iha, and relax, hindi ako kumakain ng tao." Sabi nito.
Naupo ako at naupo naman siya sa mahabang sofa na nasa harap ko.
"So it's true? Girlfriend ka ng anak ko?"
Agad na umiling ako. "H-hindi po ma'am, wala po kaming relasyon ni Rage." Pagtanggi ko.
Base sa itsura ng ginang ay parang hindi siya naniniwala.
Tumango lang naman ito. "Kayo man o hindi ay wala na ako doon, ayokong makialam sa mga gusto ng anak ko, kung saan siya masaya ay doon ako." Sabi nito. "I'm glad na hiwalay na sila ni Vivian."
Huh?
"Sa totoo lang I didn't meet her in person, nakikita ko lang siya sa mga litrato at sa balita kapag may nagawang kabulastugan ang kanyang mga magulang. Tuwing namamasyal si Rage dito wala siyang dinadalang babae."
Kumunot ang noo ko.
So it means....
"Ikaw lang ang kauna-unahang babae na dinala niya at nakilala ko."
What?!
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"But you know what, may kamukha ka, noong kabataan pa niya ay kamukhang-kamukha mo siya."
Pati ba naman ang ina ni Rage ay sinasabing may kamukha ako? Sino ba ang kamukha kong yun?
"Mama."
"Rage my dear son, how are you." Masayang bati ng ina ni Rage at niyakap ng mahigpit ang anak.
Tumingin sa akin si Rage na nakangiti. "This is Trina mama." Pakilala ni Rage sa akin.
"I know her, their is a gossip na siya raw ang pinalit mo kay Vivian."
Kaya naman pala kilala ako! Dahil sa tsismis. Tsismis nga naman, lumilipad kung saan-saan.
Napakamot si Rage. "Mama can I have a favor?" Tanong ni Rage.
"Yeah sure."
"Can you cook for us? I miss your dishes mama."
"Oh sure no problem." Nilingon ako ng ginang. "Ikaw iha nay gusto ka bang ipaluto?" Tanong niya.
Umiling ako at nahihiyang ngumiti. "Wala po." Sagot ko.
"Follow me Trina." Ani Rage, nag excuse ako sa mommy ni Rage at sinundan ko naman siya. Umakyat kami sa itaas. May binuksan itong room.
"Dito ka na muna matulog, if you want magpahinga ka na muna , yung damit mo ipapadala ko dito, dito lang naman ako sa kabilang kwarto, kung may kailangan ka puntahan mo nalang ako." Sabi niya.
"S-sige, thank you."
Nginitian niya muna ako bago umalis. Inilibot ko ang paningin ko. Parang living room ang kwarto na ito, ang lawak masyado.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...