- Her Pov -
"Thank you Tyron sa pagsama, nag-enjoy talaga ako. Sana next time si Rage naman kasama ko." Ani ko habang papasok sa kotse. Kotse ni Rage ang ginamit namin.
"Makakasama mo din siya, tiwala lang." Sabi nito.
"Sana nga, at sana mareceive niya ang pinadala ko sa kanya." Ani ko at napatingin ako sa labas may umiiyak kasing bata eh. "Teka lang Tyron, hintayin mo ako dito."
"San ka pupunta?" Tanong nito pero hindi ko na siya sinagot. Tumakbo ako at lumapit sa bata.
"Baby are you okay? Why are you crying?" Tanong ko sa batang lalaki.
"I'm afraid to cross , my mother did not notice that she left me." Anito. Napatingin ako sa kabila, sino kaya sa kanila ang nanay ng batang ito?
Green light kaya naman kinausap ko siya na sasamahan ko siyang tumawid. Sinabihan ko si Tyron na hintayin niya muna ako.
"Mommy!" Sigaw ng bata at tumakbo palapit sa tinawag niyang mommy na halatang hinanap ang anak. May sinabi ang bata kaya napatingin ang babae sa akin.
"Thank you so much."
Ngumiti lang ako at tumango at tsaka tumawid na, habang patawid ay natigilan ako, hindi ko alam pero puro may tattoo ang mga nakakasalubong ko. Napahawak ako sa ulo ko. Bumilis ang ginawa kong paghinga. Hindi ko alam kung bakit nahihilo ako ngayon. Hilong-hilo na talaga ako. Napatingin ako sa kotse kung nasaan si Tyron, blurry na ang paningin ko.
"Rage." Pangalan ni Rage ang huling nasambit ko bago nawalan ng malay.
_____
- His Pov -
"Son, I know you can hear this. When you get home I hope you will talk to me, I will tell you everything, I will explain everything. Tatanggapin ko lahat ng galit mo, but I hope you will listen to me, and I hope you will understand me. I want to talk to you my son. I'll wait for you."
Hindi ko alam ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni daddy.Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos tsaka sumandal.
"Talk to him Captain! Listen to your dad." Ani ng kasamahan ko.
Oras na nga siguro para kausapin ko siya, oras na siguro para pakinggan ang panig niya, at madaming katanungan ang gusto kong itanong sa kanya.
Nagulat pa ako dahil may isa pang voice mail na dumating.
"Rage this Katrina." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses niya. Ang boses ng babaeng mahal ko. "Hindi man lang nagpaalam, grabe ka ah. Kung iniisip mong galit ako sayo sinasabi ko na hindi ako galit. Kaya sana bumalik ka agad dito sa America para makapag-usap tayo ng maayos. Madami akong sasabihin at alam kong madami kang sasabihin sa akin. See you! Hihintayin kita, wag mo akong biguin." Iyon ang mga sinabi niya.
"Wow just wow " nakangiting sinabi nitong kasama ko. "Sino uunahin mong kausapin Captain? Your father or the girl you love?"
Ngumiti ako at hindi sumagot. I will talk to my father first, maiintindihan naman siguro ni Trina.
"Captain."
"What?"
"We are in trouble." Anito. Nagkatinginan kami.
Sh*t!
______
- 3rd Person's Pov -
"What are we going to do Kevin? We need to move, we nee to— oh my gosh!" Natatarantang sinabi ni Raquel sa kanyang estranged husband.
"Can you please calm down?" Ani naman ni Kevin dito.
"How can I calm down knowing na ang anak natin ay nasa bingit ng kamatayan, he is in critical condition my goodness!"
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...
