Kabanata 7

4.2K 42 2
                                    


Tiningala ko ang malaking bahay ng mga Parker. Masasabi kong mas malaki ang bahay na ito kaysa sa mga Buenavista.

Kinakabahan ako.

Inaasahan ko na ang mangyayari. Nakahanda akong tanggapin lahat ng mga salitang bibitawan nila sa akin, tatanggapin ko ang galit nila.

Lumapit ako sa gate, sakto namang lumabas ang security.

"Kuya nandyan po ba sina Mr. and Mrs. Parker?" Tanong ko.

"Naku miss wala sila, out of town. Next week pa ang uwi nila.

Naku po.

"Eh sino pong nandyan ngayon? Yung mga anak po nila?"

"Si Sir Connor lang miss,  siya lang ang anak nina sir at ma'am na nandito ngayon."

"Ahh." Tumango ako.

"May kailangan ka ba Miss? Kung gusto mo tawagain ko si Sir Connor."

"Wag na po kuya, babalik nalang po ako sa next week kapag nakauwi na po sina Mrs. Parker. Sila po kasi pakay ko." Sabi ko.

Napatalon ako sa gulat ng may bumusina sa likuran ko.

Dumungaw mula sa bintana ng driver seat si Rage.

"Trina? What are you doing here?" Tanong niya.

"H-huh? Ah hinahanap ko kasi sina Mrs. Parker pero wala pala sila, gusto ko lang kasi sila kausapin." Sabi ko.

Binuksan ng security ang gate ng bahay nina Connor, papasok ata ang kotse ni Rage.

"D-dito ka ba nakatira?" Tanong ko.

"No, bibisitahin ko lang si Connor. Bakit hindi ka muna pumasok sa loob? Darwin is coming also."

"Naku wag na, may trabaho pa kasi akong iniwan."

"Trina?"

It's Connor.

Nahihiyang ngumiti ako.

"Bakit ka nandito? Ah naalala ko, sabi mo may ipapadala ka kaya kinuha mo ang address namin, ano ba iyon?" He asked.

Napakamot ako.

"Oh nandito ka dahil you want to visit Connor?" Rage asked. "Do you like him?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Connor laughed. "Kilala ko kung sino ang gusto ni Trina."

"No!" Bulalas ko at pinanlakihan ng mata si Connor. "Nagpunta lang ako dito kasi gusto ko sanang kausapin ang mommy mo. May ibabalik lang sana ako." Sabi ko.

Connor stared at me at dumako ang tingin sa suot kong kwintas. "Pumasok ka na muna Trina, makipag-kwentuhan ka na muna sa amin." Sinabi nito.

Umayaw ako pero hinila ako nito papasok at sumunod na si Rage.

Inilibot kong ang paningin ko sa loob. Napakalawak, napakaganda. Nakatayo lang ako sa pintuan, hindi gumagalaw. Mahirap na baka may masagi ako, wala akong malaking perang pambayad, mukang mamahalin pa naman ang mga gamit nila dito.

Napatingin sa akin sina Connor at Rage na nakaupo na sa sofa.

"Wala ka bang balak umupo?" Rage asked.

"K-kasi nakakahiya baka madumihan lang iyang sofa niyo k-kapag uupo ako."

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong madudumihan? At kung madudumihan man we don't care. Umupo ka na." Ani Connor.

Nahihiya man pero naupo na ako. Napatingin ako sa malaking picture frame, family picture ng mga parker iyon, napakaganda ng mommy ni Connor pang artistahin, maging ang ama nito ay gwapo at mukang modelo. Dalawa lang pala ang anak nina Mrs. Parker. Si Connor at isang babae.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon