Kabanata 70

3.7K 36 0
                                    


"Hello Trina, congratulations." Sagot ni Carol sa tawag ko.

"Thank you pero Carol makikisuyo sana ako, kung pwedeng puntahan mo si nanay sa bahay?"

"Huh? Umalis si tita dahil pupunta daw siya dyan, wala ba siya?"

Bigla akong kinabahan. "W-wala eh. H-hindi siya dumating."

"Hala! Wait lang pupuntahan ko sa grocery baka dumiretso siya doon." Anito

"Sige, tawagan mo agad ako ha. Salamat." Ani ko at pinatay ang tawag.

"May problema ba?" Tanong ni Rage sa akin ng lapitan ako. Nandito pa rin kami sa school, busy pa rin ang lahat sa pagpapapicture.

"Si nanay kasi eh, nag-aalala ako, baka anong nangyari sa kanya, kasi sabi niya pupunta siya dito pero hindi siya dumating, tinawagan ko si Carol sabi naman niya umalis ng bahay para pumunta dito pero wala siya."

"Baka nasa grocery?"

"Yun na nga eh, pwede mo ba akong samahan? Pumunta tayo doon ngayon na."

Tumango naman si Rage. Nagpaalam na muna kami sa mga kasama namin, sa bahay nalang kami magkikita-kita. Hindi ako mapakali eh, kailangan kong malaman agad kung maayos lang ba si nanay.

"Ako na magdadrive para sainyo." Saad ni Grego.

"Sure, hindi ko nadala kotse ko eh." Ani Rage at inalalayan akong pumasok ng kotse. Sa backseat kami umupo kaya naman parang driver talaga namin si Grego.

Hinawakan ni Rage ang kamay ko. "Relax, wag kang mag-isip ng kung ano, malay mo kinailangan siya sa grocery kaya hindi siya nakapunta."

Hindi ko maiwasang mag-alala talaga, kung hindi man makakapunta si nanay ay tatawag iyon sa akin. Pagkapark ni Grego ay agad kong binuksan ang pintuan at lumabas, tumakbo ako papasok sa grocery. Laking gulat ko dahil lahat ng paninda ay nagkalat, parang binagyo, busy ang mga empleyado na nag-aayos. Hinanap ng mga mata ko si nanay at nakita ko siyang nakaupo sa gilid at pinapaypayan ni Carol.

"Nay! Ano pong nangyari? Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Sorry kung hindi kita natawagan agad, si tita kasi nahihilo na kaya inasikaso ko na siya." Ani Carol.

"Maayos lang ako, wag na kayong mag-alala." Ani nanay at hinawakan ang kamay ko. "Pasensya ka na anak kung hindi ako nakapunta, gustong-gusto kong pumunta pero nagkaproblema." Anito.

Niyakap ko si nanay. "Sobra po akong nag-alala nay."

"Maayos na ako, wag ka ng mag-alala, okay lang ako anak. Naku pasensya ka na kung hindi ko nakita ang pag-akyat mo sa entablado." Hinaplos nito ang pisngi ko.

"Okay lang po nay, basta maayos lang po kayo at walang masamang nangyari sainyo."

"Ano pong nangyari dito?" Tanong ni Rage, nasa likuran ko na pala sila at pinulot ang mga nakakalat sa sahig.

"Oo nga po nay? Ano pong nangyari dito." Tanong ko.

"May mga kalalakihan kasi na bigla nalang sumugod at ikinalat lahat ng mga paninda, ang daming customers pa naman kanina, umalis na sila dahil sa takot, ibinibigay ko ang pera pero ayaw naman nilang kunin, hindi ko alam kung trip lang ba nilang manggulo." Kwento ni nanay.

"Kanina pa po ba sila nakaalis?" Tanong ni Grego.

"Kakaalis lang nga nila eh, nung dumating itong si Carol ay saktong umalis na sila. Lalabanan na sana ng mga empleyado ko pero naglabas naman sila ng armas. Pero nakuhanan naman ng cctv , naibigay na sa mga pulis na nagpunta dito kanina."

"Carol ikaw munang bahala kay nanay, tutulong lang kami sa pag-aayos." Ani ko kay Carol na nakatalikod habang pinapaypayan si nanay, nag thumbs up lang naman ito at hindi ito nagsalita.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon