Katatapos ko lang makipagsayaw kay Tyron, agad akong nagpaalam para pumunta sa cr.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Maganda ba talaga ako?
Wala kasi akong bilib sa sarili ko eh.
Inayos ko muna ang nagulong buhok ko bago lumabas.
Napatakip ako ng ilong ko dahil sa usok ng sigarilyo na nalanghap ko.
"Oops sorry."
Tiningnan ko ang taong nagyoyosi sa gilid. Ang lalaking kahalikan ni Vivian.
Umiling lang ako, hahakbang na sana ako pero tinawag ako ng lalaki.
"You're Katrina right?" Tanong nito.
"Oo." Sagot ko pero hindi ko siya hinarap.
Naramdaman ko ang paglapit niya, nagpunta siya sa harapan ko, wala na siyang hawak na yosi.
Naglahad ito ng kamay. "I'm Ynigo, napakaganda mo nga naman talaga." Sabi nito.
Kumunot ang noo ko, hindi ko tinanggap ang pakiki-pagkamay niya kaya naman ibinaba na niya ito.
"Bukambibig ka kasi ni Caleb tuwing pumupunta siya sa field, ewan ko ba doon kung bakit siya lunalapit sa amin na mga tennis players. Pinagmamalaki ka niya, ikaw daw ang baby niya." Anito.
Nagkwento si Caleb tungkol sa akin?
"Nabanggit ka din ni Connor eh."
"Ganun ba?" Simpleng sagot ko at lalampasan ko na sana siya pero muli niya akong hinarang. "May kailangan ka pa ba? Babalik na kasi ako sa labas." Mahinahon kong sinabi.
"I know you saw me and Vivian, kissing."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Nakita niya ako?
"At alam kong alam mo na boyfriend niya si Rage, but please, don't tell Rage about what you see."
Nagtaas ako ng kilay. "Bakit naman hindi ko sasabihin? Mas mabuting malaman niya para hindi siya nagmumukhang tanga."
"Kapag sinabi mo sa kanya ang nakita mo ay...."
"Ay ano? May gagawin kayo sa akin ganun ba? Hindi ako natatakot." Putol ko sa sinasabi niya at iniwan na siya.
Nakapag-isip isip na ako, sasabihin ko kay Rage ang nakita ko.
Pagbalik ko sa table ay nakita kong nagsusubuan sina Vivian at Rage. Nakita ko ang saya sa mukha ni Rage tuwing kasama niya si Vivian, napapikit ako, kapag sinabi ko, tiyak na malulungkot at masasaktan ito, pero mas okay na na malaman niya ang nangyayari.
Napasinghap ako at napatayo dahil sa may nagbuhos ng juice sa ulo ko.
"What the heck!" Bulalas ni Patty.
"Oops I'm sorry, hindi ko sinasadya, hindi ko kasi nakita." Maarteng sinabi ni Sara.
"What are you doing Sara?!" Galit na sinabi ni Connor, napatingin na sa amin ang mga bisita.
"Hindi ko sinasadya, hindi ko siya nakita."
"Stop lying! Oh my gosh Sara! Hindi ka naman bulag!" Naiinis na sinabi Vivian. "Come Trina, you need to change, may isa pa akong dress." Ani Vivian at hinawakan ang kamay ko.
Papasok na kami sa bahay pero rinig na rinig ko kung paano pagsabihan nina Patty si Sara.
Oh please, wag lang sana mapaaway si Patty.
"I'm sorry Trina, hindi ko nalang sana siya inimbitahan." Ani Vivian habang kinukuha ang dress sa closet niya.
"Hindi mo kasalanan." Sabi ko at nginitian siya ng iabot niya ang isusuot ko. "Thank you."
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...