Isang malakas na sampal ang isinalubong sa akin ni nanay.
Ang gaan ng pakiramdam ko sa ilang na hindi niya ko sinasaktan tapos ngayon muli na namang dumapo ang kamay niya sa akin.
"Anong oras na ngayon ka lang uuwi?! Inaasahan kong may pagkain na luto na pagkauwi ko pero wala pa pala!" Galit nitong sinabi.
"May practice po kasi kami nay kaya ginabi ako." Paliwanag ko.
As usual hindi na naman siya naniwala.
"Sino ba ang boyfriend mo ha?! Na pinaglalaanan mo ng oras, yung lalaking kasama mo ba dati? Mabuti sana kung si Rage tanggap ko pa!"
"Wala po akong boyfriend, magkaibigan lang po kami ni Darwin."
Napatili ako dahil sa pagsipa niya ng upuan at tumama iyon sa paa ko.
"Hindi ka kakain! Naiintindihan mo! Bahala kang magutom! Pasok sa kwarto at magkulong ka!" Galit na galit na sigaw ni nanay.
Pumasok nalang ako sa kwarto ko dahil baka mas lalo pa siyang magalit.
Heto na naman ako, umiiyak na naman.
___
"Pinsan! Pinsan! Katrina!"
Nagising ako dahil sa may tumatawag sa akin. Inaantok na lumabas ako ng kwarto, napahawak pa ako sa tyan ko dahil tumunog yun, nagugutom na ako, hindi kasi ako kumain kagabi.
"Carol bakit?" Tanong ko sa pinsan.
"Naku Katrina si tita may balak atang mag-iskandalo sa school niyo!"
"Ano?"
"Ang sabi susugurin daw yung boyfriend mo."
Nagulat ako sa sinabi niya!
Naku po.
Mabilis ang ginawa kong pagbihis, kailangan kong pigilan si nanay. Gustong sumama ni Carol pero pinaiwan ko nalang siya sa bahay.
Pumara ako ng taxi dahil napakatagal ng jeep, kailangan kong maabutan si nanay bago siya makapasok sa university.
Pumara agad ako pagkakita ko kay nanay, papasok na siya sa loob! Naku siguradong gulo na ito!
Tumakbo ako para mahabol ko siya pero huli na ata ang lahat, saktong nasa parking lot kasi sina Darwin at papalapit na si nanay doon.
Napasinghap ako dahil sa malakas na sampal ang ginawa ni nanay kay Darwin. Gulat na gulat sila lalo na si Darwin, pati na rin ang mga estudyanteng nakatambay doon nakita ang lahat.
"Ikaw na lalaki ka! Layuan mo ang anak ko!" Sigaw ni nanay.
Hinawakan ko ang kamay ni nanay at hinila spero malakas si nanay. "Nay naman please, wag kayong mag-eskandalo dito." Paki-usap ko sa kanya.
"Tumahimik ka." Bulyaw niya sa akin at muling tumingin kay Darwin. "Ito ang boyfriend mo hindi ba? Pwes ngayon din ay maghiwalay kayo!"
Tumawa ng pagak si Darwin, sina Connor, Tyron at Rage naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni nanay, ako naman ay nakakaramdam na ng pagkahilo.
"Pasensya na po ma'am ha, una po sa lahat wala po kayong karapatan na magpunta dito at basta-bastang sumusugod, pwede po kayong makasuhan." Ani Darwin.
"Wala akong pakialam! Ang gusto ko ay layuan mo ang anak ko!"
"Pero mas mabuti po ata na si Trina ang lumayo sa inyo dahil sa pinagga—."
Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Darwin para hindi niya ituloy ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
TeenfikceSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...
