Kabanata 6

4.4K 46 0
                                    


"Hi."

Napatingala ako sa nagsalita.

Ang nakangiting girlfriend ni Rage iyon.

"H-hi." Nginitian ko din siya.

Muli kong naalala ang nakita kong eksena nila ni Rage dito sa court.

Umupo siya sa tabi ko.

"Everyday kitang nakikitang pupunta dito sa court, are you fan of them?" She asked at itinuro sina Rage na naglalaro.

"A-ah." Nag-iisip ako ng sasabihin ko, mahirap na kung sabihin kong ang boyfriend niya ang pinupuntahan ko dito sa court. "Kasi dito lang ako nakakapagrelax, nililibang ang sarili ko sa panunuod sa kanila."

Tumango ito. "Magagaling ang team nila, so kapag may laro you should watch them, hahanga ka talaga sa kanila."

'Humahanga naman talaga ako sakanila, lalo na kay Rage.' gusto kong sabihin iyon pero baka bigla akong sabunutin nito.

Pero sa nakikita ko ay mabait itong girlfriend niya.

"I'm Viviav you can call me Viv." Pagpapakilala niya.

"Katrina, Trina nalang."

"Nice to meet you. Gotta go, may klase pa ako." She said at tumayo na. "Baby!" Sigaw nito.

Oww.

Lumipad ang tingin ni Rage sa amin este kay Vivian lang pala hindi ako kasama.

Nag-flying kiss si Rage and he smiled then he mouthed I love you to Vivian.

Napayuko ako.

I'm jealous, sana ako nalang si Vivian.

Ibinalik ko ang tingin ko kina Rage pagkaalis ni Vivian. Nagpapahinga na sila, pero napansin ko ang isa sa kagrupo ni Rage na nakatingin sa akin.

Ngumiti ito sa akin at kinawayan ako, hindi ako nakapagreact.

May ibinulong siya kay Rage kaya naman napatingin sa aking si Rage, tumakbo ang lalaki papalapit sa akin.

"Hi miss." Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi niya

"H-hi." Nahihiyang sambit ko.

"Alam mo ilang araw na kitang nakikita dito, the first time I saw you, you totally got my attention, hi di lang kasi kita malapitan dahil nahihiya ako." Sinabi nito.

Sa sinabi niyang iyon ay halatang playboy ito.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "I'm Caleb, you are?"

Hindi ko sana iton tatanggin pero ayokong maging bastos. "Katrina."

Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak.

"What a beautiful name."

Huh?

Isang bola ang napansin kong lumipad papunta sa amin, napapikit ako dahil akala ko tatama sa mukha ko iyon.

"F*ck man!"

Binitawan ni Caleb ang kamay ko, napamulat ako, nagkatingin si Caleb kay Rage na natatawang nakatingin sa amin. Si Caleb pala ang natamahan at si Rage ang bumato ng bola.

"Your flirting again, stop that Caleb." He said and he looked at me. "Mag-iingat ka sa taong iyan, sasaktan ka lang." Tumatawa nitong sinabi sa akin.

"Hey , wag mo naman akong siraan kay Trina, baka hindi na ako pansinin nito." Lumingon si Caleb sa akin. "Wag kang maniwala sa kanya, sa mga sasabihin niya tungkol sa akin." Anito.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon