Kabanata 26

3.7K 38 1
                                    


Anong ginagawa ng litrato ng kapatid ni Connor dito?

"Katrina!"

Agad kong itinago ang litrato sa bulsa ko at mabilis na inayos ang mga naikalat.

"Ano ba! Wag kang pabagal-bagal dyan, nagugutom na ako, anong oras na magluluto ka pa.", Ani nanay sa akin.

"Heto na po bibilisan na."

"Kay bagal naman talaga oo, walang magkakagusto sayo kapag hindi ka mabilis gumalaw!" Ani nanay at tinalikuran na ako.

___

Hindi ako makatulog, kanina ko pa ako nakatingin sa litrato at madaming katanungan ang nasa aking isipan, bakit nandito ang litrato ng kaoatid ni Connor, kilala kaya nina nanay ang pamilyang Parker?

Naalala ko ang sinabi ni Gail. May kumidnap daw sa kapatid ni Connor.

Hindi kaya may kinalaman sina nanay?

Wag naman sana.

O baka naman.....

Hindi maaari...

Napahawak ako sa kwintas. Tama kaya ang kutob ko?

___

"Nay? Kilala kilala niyo po ba ang pamilyang Parker?" Tanong ko kay nanay habang nag-aalmusal kami , nakita ko kung paano natigilan si nanay.

"H-hindi bakit?" Tanong niya.

Ipinakita ko sa kanya ang litrato. "Bakit po nandito ang picture ng bunso nilang anak na babae?"

Nanginginig na hinawakan ni nanay ang litrato. Naging malikot ang mga mata niya. Ramdam kong may alam ito, ramdam kong may itinatago si nanay.

"S-Saan mo ito nakuha?"

"Kahapon po sa bakanteng kwarto habang naglilinis ako.

"A-aba ewan ko. Kasi yung ibang gamit naman ay hindi sa atin. May mga gamit din siya ng mga nanirahan dito dati. Baka sila ang may hawak niyan." Sabi ni nanay, mabilis na inubos ni nanay ang pagkain.

"Na—."

"Wag ng madaming tabong Katrina, kailangan ko ng puntahan ang mga kumare ko, bago ka umalis ay linisin mo muna ang mga kalat at hugasan ang mga pinggan." Ani nanay at nagmamadaling lumabas ng bahay.

May mga itatanong pa sana ako sa kanya pero mukang umiiwas siya.

Ano mo ba ang alam mo nay tungkol sa mga Parker?

Dala-dala ko hanggang sa school ang litrato, ipapakita ko ito kay Connor. Gusto ko siyang kausapin, tanungin kong ano ang tunay na nangyari sa kapatid niya. Pero kapag ipinakita ko ito ay baka isipin niyang sina tatay ang kumidnap sa kapatid niya!

Naguguluhan ako, paano nga kung si Tatay ang kumidnap!

Hawak-hawak ko ang litrato at pinagmamasdan iyon, pupunta ako ng grass court siguradong nandoon si Connor.

"Excuse me." Ani ng kung sino sa likuran ko.

Tumabi ako, nakaharang pala ako sa daanan.

Wait si Vivian! Naka shades siya at black lahat ang kasuotan niya. Para siyang namatayan.

Nilampasan niya ako.

"S-sandali Vivian." Pigil ko sa kanya.

Huminto naman siya at humarap. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan ng shades.

"May sasabihin ka ba?" Tanong niya.

"W-wala, gusto ko lang sabihin na mabuti nalang at bumalik ka na.", Sabi ko.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon