"Wait me here, kukunin ko lang ang mga gamit ko then sabay na tayong umuwi." Ani ni Patty sa akin. Nandito lang naman kami sa tambayan namin, walang iba kundi sa canteen.Tumayo ako at nilinisan ang table, naglakad ako papunta sa basurahan para magbasura, babalik na sana ako sa table ng may nag-uusap at narinig ko pa ang pangalan ko.
"Katrina Ramirez ang pangalan niya."
"Oh? Ang swerte naman niya. Libre ang pag-aaral, libre ang pagkain."
Kumunot ang noo ko.
"Oo nga eh, napakabait naman ni Mr. Parker dahil hindi niya pinabayad si Katrina, akalain mo yun, libre lahat."
Mr. Parker? Si Mr. Parker ang dahilan kung bakit free lahat ng pagkain ko dito at siya din ang dahilan kung bakit wala akong binayaran na tuition fee?
Nagmadali akong bumalik sa table, hindi ko na tiningnan kung sino ang mga nag-uusap na yun.
Nagtayakang naupo ako at nag-iisip. Bakit gagawin sa akin ni Mr. Parker iyon? Bakit napakabait naman ata niya? Alam kaya niyang walang-wala ako? Naawa lang kaya siya sa akin?
Ang daming tanong na naman ang pumasok sa isipan ko. Pupuntahan ko si Mr. Parker, gusto ko siyang kausapin.
Pinaldahan ko si Patty ng mensahe na mauna nalang muna ito dahil may kakausapin pa ako.
Dumiretso ako sa office ni Mr. Parker. Ilang beses akong kumatok ngunit walang sumasagot.
"Sir si Katrina po ito, papasok na po ako ha." Ani ko at binuksan na ang pintuan pero walang tao doon. Siguro ay nakaalis na ito.
"Saan ko ba siya pwedeng kausapin? Ah sa bahay nila. Doon ako pupunta baka sakaling nandun siya.
Lalabas na sana ako pero nakuha ng atensyon ko ang litrato na nasa table, litrato iyon ng anak nilang babae at katulad nito ang litratong hawak ko. Kinuha ko ang picture na nasa table at may nakaukit doon KC. KC? Ito marahil ang pangalan niya.
Ibinaba ko na ang picture at lumabas na ng office, dahil baka may makakita sa akin sabihin pa nila na magnanakaw ako.
Nagdecide akong pumunta na sa bahay ng mga Parker pero hindi pa ako nakakalabas ng gate ay may humarang na kotse.
Kotse ni Rage.
Bumaba ang bintana. Baka shades ito eh wala namang sinag ng araw dahil hapon na, at makulimlim halatang uulan mamaya.
"Get in."
"Ha?"
"I said get in."
"Bakit? Okay lang Rage, kaya kong umuwi mag-isa, hi—."
"May pupuntahan tayo, pumasok ka nalang." Naiiritang sinabi nito. Baka magalit pa siya sa akin kaya pumasok nalang ako.
"Saan tayo pupunta.?" Tanong ko.
"Sa hacienda."
"H-haciend?!" Bulalas ko.
"Oo, naipagpaalam na kita sa nanay mo at sa proffesor mo. Grandma is looking for you, pati si Kyron. She want to see you, kahapon pa nila ako kinukulit na dalhin ka doon."
Hala! Bakit hindi agad ako sinabihan ni Rage?! Wala na naman akong gamit na dala!
Napalingon ako sa likuran dahil may pumasok doon. Si Tyron.
"S-sasama ka?" Tanong mo.
"Yeah, mom is there, tinawagan ako eh." Sabi nito.
Oo nga pala, magpinsan pala ang dalawa at first cousin ng mommy ni Rage ang mommy ni Tyron.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...