Kabanata 44

2.9K 31 0
                                    


"Sorry if ang pumasok sa isipan namin kayong dalawa. Eh paano ba naman kasi bigla naman kayong nagkulong sa cr. Tapos biglang dumating itong si Rage, then yun narinig namin yung pinag-uusapan niyo. Ano ba yung topic niyo? Ano yong dapat niyo ng sabihin?" Tanong ni Yna.

Napatikhim ako. Nag-iisip pa ako ng sasabihin ko. Bakit ayaw gumana ng utak ko ngayon?

"Tungkol sa pagkatao niya, hindi ko naman alam na nasabi na niya pala sainyo, at alam kong tatanungin niyo kung bakit halos magkayakap na kami. Medyo nahihilo kasi siya kanina." Ani Tyron. Maniniwala kaya sila?

Nagkatinginan sina Patty, Yna at Gail. "Then yun naman pala eh, nasaktan tuloy ang isa dahil iba ang sinabi mo." Ani Gail kay Tyron.

"Sinong isa?", Tanong ko.

"Eh sino pa ba edi yung nagwalk-out, si Rage." Ani Patty.

Oo nga pala. Hindi na bumalik sina Rage at Darwin. Saan na nagpunta ang mga iyon?

"Maiwan ko na kayo." Ani ni Tyron.

""Tyron." Tawag ko bago siya lumabas. "Thank you."

Ngumiti siya at tumango nalang.

"Ano yun? Nagpunta lang dito para maki cr?" Saad ni Yna. "Bye the way, malapit na ang engagement party mo Patty."

"Yeah, yeah! I feel it, masisira ang engagement party namin. I don't know what Connor is planning is but I'm sure hindi kami maikakasal na dalawa." Ani Patty na parang siguradong-sigurado talaga siya.

"How sure you are?" Tanong ni Gail.

"I'm 100% percent sure. He told me na ipapakilala na niya ang girlfriend niya. And I think magandang movie ang mapapanuod natin, because may magbabalik." Ani Patty.

"May magbabalik? Sino?" Tanong ko.

"Surprise, hindi ko alam kung magbabalik siya, but I can feel na darating nga siya, sorry nalang siya, Connor is already in love with someone else."

"Si Quincy? Siya ang magbabalik?" Tanong ni Yna. Ay oo nga ano. Si Quincy ba tinutukoy nito?

Nagkibit-balikat lang si Patty. Si Quincy nga ata talaga ang tinutukoy nito.

____

Ilang message na ang ipinadala ko kay Rage pero ni isang mensahe ko ay wala siyang sinagot. Sinubukan ko din siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya?

Ano bang nangyayari sa taong iyon? Kakausapin ko nalang siya sa school, third game na nila ngayon kaya after ng laro nila ay kakausapin ko siya. Hindi ko maintindihan ang taong iyon eh. Basta-basta nalang nagagalit.

Isasabay sana ako ni kuya Connor pero mas pinili ko ang mag-commute, baka kung ano ang isipin ng mga tao na naman.

Napatalon ako sa gulat dahil sa pag-akbay ng kung sino.

Si Kuya Connor.

"Where are you going?"

"Court." Maikling sagot ko. Pinagmasdan ko siya, naka shades siya, seryoso naka shades siya sa loob ng University at isa pa walang araw ah.

Ibinaba nito ang shades niya, may blackeye siya sa left eye niya!

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ko.

"Napaaway kami. Ewan ko ba sa Rage na yan eh, mainit ang ulo, muntikan na silang magsuntukan ni Tyron pero may isang grupo na biglang sumugod sa amin. Hindi na nga sana namin papatulan pero ito kasing Rage....ewan ko ba sa taong iyon."

Ano?! Napaaway sila?

"Saan kayo napaaway?"

"Bar, nagyaya sila kagabi eh. Problemado ata ang isa. Ano bang nangyari kahapon?" Tanong nito sa akin. Sasagot na sana ako pero lumapit ang coach ni Kuya Connor. Agad na inalis ni Kuya ang pagkakaakbay niya sa akin.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon