Kabanata 13

5.1K 61 1
                                        

"Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa akin sa condo mo, uuwi na ako mamaya." Sabi ko kay Rage habang nagmamaneho siya, papunta kami ngayon sa University.

Nahihiya pa ako sa kanya dahil  natulog ako sa kwarto niya na imbes siya ang matutulog doon pero mas pinili niyang sa sala nalang matulog.

"No problem, pero hindi ba't sinabi ni Darwin na doon ka muna kahit dalawang araw lang?"

"Pero kasi kailangan ako ni nanay. Lalong magagalit iyon sa akin kapag hindi ako umuwi."

"Sinasaktan ka ba ng nanay mo?"

Umiling ako. "H-hindi naman, sobrang galit lang kasi siya kahapon kaya umalis muna ako sa bahay." Rason ko.

Magsasalita sana ito pero may tumawag sa phone niya.

"Hello baby, papunta na ako sa school. Yeah, yeah, I'm sorry. Nakatulog na kasi ako, at sa condo ako natulog, okay, okay. See you later." Sabi nito sa kausap niya.

Ako naman ay tinitingnan ko ang mukha ko sa side mirror, hindi halata ang pasa ko, dahil may inilagay si Rage para matakpan ang pasa.

"Thank you." Pasasalamat ko kay Rage pagkalabas namin ng sasakyan niya.

Tumango lang naman ito.

Nauna na akong naglakad dahil iba naman ang department ko.

"Bye the way Trina."

Huminto ako at nilingon siya.

"Tomorrow is the audition right?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Oo nga pala bukas na! Shocks! Wala akong practice!

Ngumiti ito. "Good luck." Sabi nito at umalis na.

Napangiti ako. Ang saya ko.

Masayang naglalakad ako sa hallway ng department namin ng bigla akong harangin ni Sara, wala ang mga alipores niya.

"May problema na naman ba?" Tanong ko.

"Wala naman, gusto ko lang tanungin kung itutuloy mo pa rin ba ang pagsali bukas?"

"Nasa listahan na ako, kaya naman wala akong balak umatras." Sabi ko at nginitian siya bago lampasan pero hinawakan nito ang braso ko na ahad din niyang binitawan, parang nandidiri pa siya at wow! Wow lang! Nag alcohol pa.

"Give up ka nalang my dear, hindi ka makakapasok."

"Paano mo nasabi? Hindi naman ikaw ang judge."

Parang naiinis ito sa sinabi ko.

"Gagawa ako ng paraan para masiguradong hindi ka makakapasok." Matigas na sinabi nito.

Napalingon kami ni Sara sa pag-ungol ng kung sino. May nakaupo sa isang poste doon, lalaki iyon, pero hindi kita ang mukha dahil natatakpan ng sombrero niya.

Uminat ang lalaki, halatang kagigising. Tumayo ito at inayos ang sombrero niya.

"Tyron." Sambit ni Sara.

"Istorbo kayo kung alam niyo lang." Sinabi nito.

"S-sorry." Paghingi ko ng paumanhin, tiningnan lang ako nito at walang sabing tumalikod na at naglakad pero paatras na bumalik ito at hinarap si Sara.

"Dahil sa audition ay gagawa ka ng kalokohan para pabagsakin ang isa? Anong klaseng tao ka?" Bored na sinabi ni Tyron at tuluyan ng umalis.

Natahimik at napanganga si Sara sa narinig niyang sinabi ni Tyron.

Huminga ako ng malalim at iniwan na siyang hindi makagalaw.

Pagpasok ko ng room ay hindi ko inaasahang nandun si Tyron.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon