Kinabahan ako ng makita ang pintuan ng apartment ko. Bubuksan ko na sana iyon pero nasira ang door knob, may nakapasok ata. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, gulat na gulat ako sa nangyari dito sa apartment. Parang binagyo! Lahat ng gamit sa loob ay nasira, tumakbo ako papunta sa kwarto, ang mga damit ko ay nasa sahig lahat, hindi ako nanakawan dahil walang nawala, may sumadya bang manggulo dito.
May papel akong naka dikit sa bintana ng kwarto. Nanginginig na kinuha ko iyon. Napatakip ako sa bibig ko ng mabasa ko iyon. "You're alive, buhay ang prinsesa ng Parker, you are my main target para makapaghiganti na ako."
Mabilis na tinawagan ko sina daddy at sinabi ang nangyari. Tumakbo ako palabas dahil si Kuya agad ang unang nakarating, niyakap ko siya. "Kuya natatakot ako " ani ko.
Pumasok si Kuya para tingnan ang nangyari. Napatakbo naman ako papalapit kina mommy pagdating na pagdating nila.
"What happened? Are you okay? Are you hurt?" Tanong ni mommy.
"Hindi po, naabutan ko nalang po na napakagulo ng apartment."
"Sino ang gagawa nito?" Tanong ni Daddy.
"Sa kwarto po, may nakadikit na sulat sa bintana." Ani ko kaya agad na nagpunta si Kuya at daddy doon. Yakap-yakap naman ak ni mommy. Lumabas ng kwarto sina daddy habang hawak ang papel.
Napamura si Kuya.
"You're not safe here anymore." Ani daddy. "Umuwi muna kayo ng anak natin, maiiwan muna kami ni Connor dito, hihintayin namin ang mga pulis." Ani daddy.
"Let's go." Ani mommy sa akin. Iniwan namin sina daddy. Pagpasok ng kotse ay niyakap ko agad si mommy at niyakap niya ako ng mahigpit.
Sino ang may gawa nun? At paano nila nalaman na anak ako ng mga Parker?
___
Nanatili muna ako dito sa bahay, ang mga gamit ko ay dinala nila sa condo ni Kuya dahil doon ako mananatili, may mga kinuha din si daddy na mga body guards para magbantay sa akin. Tumanggi ako pero nagpumilit si daddy, gusto din nilang dito na ako sa bahay pero umayaw ako, mas mapapalapit ang kalaban kapag nakahiwalay ako sa kanila, at may tiwala ako sa mga kinuha ni daddy na magbabantay sa akin dahil nakita ko naman ang papers nila eh. Magagaling sila.
Matutulog na sana ako pero may tumawag. Si Rage.
"Your brother told me about what happened. How are you honey? Are you good?" Aniya pagkasagot na pagkasagot ko.
"Okay lang ako. Thanks God at walang nangyari sa akin, nagpapasalamat ako dahil hindi ko sila naabutan dahil pag nagkataon hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon.
"Mabuti nalang at okay ka. I'm sorry if hindi kita naihatid dahil sa practice." Aniya. "But Gail told me na kinausap ka daw ni Tyron?"
"Y-yes."
"Anong pinag-usapan niyo?"
"He knows, alam niya na ikaw ang gusto ko." Ani ko. Hindi nagsalita si Rage. "Tanggap na daw niya, oh shocks, nasaktan ko siya, pero dapat lang na malaman niya na hindi siya ang gusto ko dahil ayoko ring umasa siya, dahil mas lalo siyang masasaktan."
"I will talk him, pupunta ako ngayon sakanila, I want to say Thank you, and I want to say sorry also to him." Ani Rage.
"He's hurt Rage."
"I know, I know. Kaya kakausapin ko siya. I'm sorry if because of me ay may nasaktan."
"Rage—."
"See you tomorrow honey, mag-uusap pa tayo." Aniya.
Kumunot ang noo ko.
"Anong pag-uusapan natin?"
"I want to ask you something, pero mas maganda kung sa personal ko tanungin hindi ba? Bye honey, sweet dreams. Dream of me." Aniya. Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...