Kabanata 64

3.3K 32 0
                                    


"I have an appointment later, dalawang araw lang naman ako dito."

Narinig kong sinabi ng kung sino sa labas pero familiar ang boses kaya lumabas ako para makita kung sino iyon.

Ang mommy ni Rage!

"Tita?"

Lumingon ito sa akin, at nagulat siya. "Katrina? Oh my gosh! You're here iha." Anito at nilapitan niya ako at niyakap. Ipinasok ni Rage at Gabriel ang gamit ni tita.

"Dalawang araw pero itong dala niyo ay pang ilang buwan." Ani Rage sa ina.

"You know me Rage, papalit palit ng damit. Bye the way Trina hindi ko alam na nandito ka na sa America and what are you doing here? Magkasama ba kayo ni Rage dito sa iisang bahay?"

"Hindi po tita, kasambahay po ako."

"Kasambahay?! Dito mismo?" Gulat nitong tanong.

Tumango ako.

Tumingin siya kay Rage.

"Bakit ginawa mo siyang maid? Oh no Rage what are you th—."

"Ah tita, ako po mismo ang pumasok. Nabobored po kasi ako kaya pumasok po ako bilang katulong, 10 days lang naman po eh, kaya ayos lang po sa akin, sa totoo lang po hindi ko po alam na si Rage yung amo ko. Wala po siyang kasalanan."

"Kahit na, he s—."

"Tita malamig po, pumasok muna kayo." Ani Gabriel dito, hindi nalang ito nagsalita at pumasok na. Hindi na niya itinuloy ang kausapin ako dahil may ibang nakakuha na ng atensyon niya.

____

Hindi ako nakauwi sa bahay, ganun din si Gabriel, si tita kasi ang gusto niya ay matulog kaming lahat doon, katabi ko si tita matulog, si Gabriel kasi sa isang kwarto si Rage sa kwarto naman niya. Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako. Kumunot ang noo ko dahil nakabukas ang sliding door ng terrace,  nakalimutan ata ng dalawang isara iyon, baka lasing na kasi sila. Uminom kasi yung dalawang lalaki eh.

Naglakad ako papunta doon para isara ang sliding door pero may nakita ako anino kaya sumilip ako. Si Rage, mag-isa lang niya at mukang may malalim na iniisip. Bakit hindi pa ito natutulog? Wala naman na siyang iniinom.

"Rage, bakit hindi ka pa pumapasok?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.

"May mabigat kang problema na dinadala ano." Ani ko.

"Paano mo naman nasabi?"

"I know you Rage. Ilang taon na din naman tayo magkakilala eh."

Mahinang tumawa siya.  Nagbuga ito ng hangin at tiningnan ako. Ang mga tingin na iginawad niya sa akin ay ang mga tingin niya sa akin nung nanliligaw pa siya. Parang matutunaw na ako sa mga tingin na ibinibigay niya.

"I have something to tell you." Anito.

Kumunot ang noo ko.

"About the incident na nangyari noon sa pamilya mo. Dahilan ng pagkamatay ng tita Kyla mo, dahilan kung bakit kailangan kang ilayo." Anito at yumuko, saglit siyang hindi nagsalita. Tahimik lang naman ako at hinihintay ang sasabihin niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita ko ang paglunok niya.  "It's all my dad's fault." Nanginginig niyang sinabi.

Hindi nagsink in sa akin ang sinabi niya.

"My dad killed your tita, siya ang pasimuno sa lahat ng kaguluhan na nangyari noon."

Tumahimik ako at nagsimulang manginig. Totoo ba ang sinasabi niya? Totoong ang daddy niya ang nasa likod ng mga nangyari noon?  Bakit? Bakit?

Hinawakan ni Rage ang mukha ko at hinaplos. "This is the reason why I'm pushing you away, kaya ayos lang sa akin kung magalit ka, kamuhian ako. Ayos lang sa akin."

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon