Kabanata 11

3.3K 34 0
                                    


Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin, medyo nag violet sa kaliwang pisngi ko dahil sa ginawa ni nanay, at pati sa gilid ng labi ko.

Oo sinaktan na naman niya ako dahil natalo na naman siya sa sugal at pinagpipilitan na sundin ko ang gusto niya, ang akitin nga si Rage.

Hinaplos ko ang pisngi ko. Ngayon lang ako nagkapasa, paano ba naman hindi ang kamay niya ang ginamit niya sa pagsampal sa akin. Tiningnan ko din ang braso ko, may pasa na din ako doon.

Siguradong may pasa din ako sa likod ko dahil masakit iyon nahampas din kasi ni nanay ang likod ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Oh ano pang ginagawa mo? Magluto ka na anong oras na! Wag kang iiyak-iyak dyan kung ayaw mong tamaan ulit." Sabi ni nanay. "Labas na!"

Napatalon ako sa gulat sa pagsigaw nito.

"O-opo."

___

Wala akong pangharang sa pasa ko kaya naman nagmask nalang ako para hindi nila makita sa school at kahit napaka-init ay nag long sleeve ako para hindi makita ang nasa braso ko.

Pagpasok ko ng University ay pinagtitinginan ako kaya naman nakayuko lang ako habang naglalakad.

"Bakit ka naka mask?" Tanong sa akin ni Gail pagkarating ko sa room.

"Inuubo kasi ako." Sabi ko at nagkunwaring naubo, mukang naniwala naman ito.

"Anong klaseng damit iyan? Damit ng isang pulubi." Natatawang sinabi ni Sara sa akin.

Tiningnan ko ang suot ko.

"Wala namang problema sa suot niya ah. Simple lang, at bagay sakanya dahil lalong lumalabas ang kagandahan niya sa mga simpleng damit, na hindi niya kailangang magsuot ng mga mamahalin at make-up ng makakapal para lang gumanda." Pagtatanggol ni Gail sa akin.

Mulang nainis ni Sara, magsasalita sana ito pero pumasok na ang prof namin.

"Thank you." Bulong ko kay Gail.

___

Naglalakad ako papunta sa department ng criminology, may nag-iisang subject kasi ako doon, at first time ko lang pumasok sa criminology department, nag shuffle kasi sila ng subject at oras ng klase, eh ang isang subject ko ay napunta dito, at ako lang ata ang napunta dito.

Ngumiti ako ng makasalubong ko si Darwin, oo nga pala Criminology nga pala ang kinuha niya.

"Trina."

"Bagay na bagay sayo ang uniform ah." Nakangiting sinabi ko, naninibago ako, kaoag nakikita ko kasi ito hindi naka-uniform.

"Talaga? Di nga ako sanay mag-uniform eh. Pero ginanahan ako bigla ng sabihin mong bagay." Sabi niya, kumunot ang noo nito.

"May sakit ka ba?" Ngayon lang ata kasi napansin na naka mask ako.

"Inuubo kasi ako."

Tumango ito. "Ano nga ba ginagawa mo dito?"

"May subject kasi ako dito." Ipinakita ko ang room at sakto doon rin ang room niya, magkaklase kami sa subject na iyon.

"Pwede ka ng pumunta sa room, may kukunin pa kasi ako sa dean's office." Sabi niya.

"Sige." Sabi ko at naglakad na pero pinigilan niya ako, napadaing ako dahil sa ang hinawakan nito ay ang braso kong may pasa.

"I'm sorry, okay ka lang ba? May masakit ba?"

Pilit akong ngumiti at umiling at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa!

Oh no!

Hindi ko inaasahan ang pag-alis ni Darwin sa mask na suot ko kaya naman hindi ko na natakpan gamit ang kamay ko ang pasa ko sa mukha.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon