Huminto ako sa paglalakad. Agad akong tumalikod. Kasi naman makakasalubong ko si Rage!Nakalimutan ko, may isang subject nga pala siya dito sa department namin. Hindi ko nga lang alam kung saang room siya. Naglakad nalang ako pabalik sa room namin. Doon muna ako saglit dahil maaga pa naman, mamaya pa ang practice namin sa sayaw.
Nakita kong nakalampas na si Rage kaya agad akong lumabas, nahihiya kasi ako sa kanya, nakakahiya ang nangyari kagabi.
Humihingal na umupo ako sa tabi ni Yna, tumakbo kasi ako papunta dito sa theater area.
"Anong nangyari sayo? May humahabol ba?" Tanong nito.
Umiling ako habang hinahabol ang hininga ko.
"Siya nga pala, alam mo bang manunuod ngayon ang mga athlete's ng school, panoorin nila ung mga steps na nagawa na natin." Anito.
Nanlaki ang mga mata ibig sabihin pupunta si Rage dito?!
"A-anong oras?" Tanong ko.
"Mamayang hapon ata. Kaya kailangan nating tapusin ang ibang steps natin ngayon."
Oh my gosh.
___
Pagkatapos ng practice ay papunta na ako sa canteen para samahan sina Patty at Gail na kumain.
Iniisip ko ang mangyayari mamaya, hindi pa ako handang sumayaw sa harap ng madaming tao.
Nakayuko ako habang naglalakad kaya naman may nakabangga ako.
Nag-angat ako ng tingin. "I'm sorry, hi—. Vivian." Bulalas ko.
Ngumiti siya sa akin. "Hi Trina." Bati nito.
Shocks!
May gagawin ba ito sa akin? Sasampalin ba ako nito dahil sa nangyari? Sige okay lang tatanggapin ko.
"Are you okay Trina? Parang kinakabahan ka?" Tanong niya.
"O-okay lang. A-about pala yung nangyari kagabi—."
Hinawakan ni Vivian ang balikat ko. "Ano ka ba, okay lang. Sinabi na ni Rage ang lahat. I understand naman. And okay ka na ba? Nabanggit kasi ni Rage kahapon na masama pakiramdam mo."
"O-okay na ako, sorry talaga kahapon."
"Okay lang sa akin. Wag mo ng masyadong isipin. Siguro naman hindi na mauulit yun." Aniya.
"Syempre hindi na talaga mauulit yun." Mabilis na sinabi ko.
"I gotta go, see you around Trina." Paalam niya at umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuting si Vivian, wala akong masabi, pero bakit niya niloloko si Rage? Pakitang tao lang kaya ito?
Nagkibit balikat nalang ako at tinungo na ang canteen. Pagdating ko ay naka order na si Patty ng kakainin namin.
"Let's eat na, nagugutom na ako." Sabi nito pagkaupo ko.
Kwento ng kwento si Patty habang kumakain kami, ako naman ay nag-iisip kung sasabihin ko ba sa kanya ngayon na hindi na ako pababalikin ni nanay sa kanila.
"P-Patty, may sasabihin sana ako." Pagsisimula ko. "Kasi ayaw na ni nanay na magtrabaho ako, ayaw na niyang bumalik ako sa inyo." Sabi ko.
Nakita kong sumilay ang lungkot sa mukha niya kaya ahad kong hinawakan ang kamay niya. "Don't worry kahit hindi na ako babalik sainyo ay bibisitahin pa rin kita, pangako yun at lagi naman tayong magkasama dito sa school di ba."
Ngumiti si Patty. "Ano ka ba, okay lang. Nabigla lang ako, pero mas nakakabuti nga ata yun para maka focus ka din sa pag-aaral, mas importanteng makapag-aral ka." Anito.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...