Kabanata 71

2.7K 23 0
                                    


- Her Pov -

Nagising ako na wala sa tabi ko si Rage, tiningnan ko ang orasan, 3:45 na ng hapon. Bumangon ako at lumabas ng kwarto para hanapin si Rage. Wala siya sa sala kaya nagpunta ako ng kusina, wala siya doon pero may mga pagkain na nakahain sa mesa.

Nagluto siya pero nasaan siya?

Napatalon ako sa gulat dahil sa may yumakap sa akin mula sa likuran. Amoy pa lang niya ay alam ko na kung sino. Hinalikan niya ang pisngi ko.

"Good afternoon honey." Bati niya, hinarap ko siya at hinalikan niya ang noo ko. "Alam kong nagugutom ka na kaya kumain ka na muna." Aniya.

"Eh ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"Of course sasabayan kita." Anito at pinaghila ako nito ng upuan. "You didn't tell me na darating ka."

"I want to surprise you, pero pagdating ko tulog ka naman."

"Well na surprise naman ako, dahil pagkagising ko ikaw ang nakita ko. How's your review?"

"Ilang araw pa lang ay masakit na sa ulo." Ani ko at nilagyan ng pagkain ang plato ni Rage.

"Miss na miss mo na siguro ako kaya mo ako pinuntahan dito ano, hindi mo kayang mawala ako ng ilang araw ah."

"Hindi talaga ano, kung dati nakaya ko pero ngayon hindi na. Hindi kaya ako makampante, kung ano-ano nasa isio ko, baka mamaya pinuntahan ka na ni Chelsea dito."

"Hindi alam ni Chelsea na nandito ako, at kung pumunta man siya dito ay hindi naman ako papayag na manatili siya dito sa bahay, at wag kang mag-alala. Behave naman ako eh." Aniya sabay kindat.

"Aba dapat lang na mag-behave ka kung ayaw mong matikman ang galit ko."

"Nagagalit ka pala?" Natatawang sinabi niya.

"Hindi mo lang alam kung paano magalit ang isang tulad ko na mabait at tahimik na tao." Nakingiting sinabi ko.

"Kaya hinding-hindi ako gagawa ng ikakagalit mo. By the way ilang araw ka dito?"

"Tatlong araw, uuwi din naman ako kapag babiyahe na kayo."

"Saan ka matutulog ngayon?"

"Sa bahay, nandoon yung mga gamit ko eh, sinundo ako ni Gabriel kaya ipinadiretso ko na ang gamit ko sa bahay."

____

"You are not sleeping here?" Tanong sa akin ni Gabriel.

"Yeah kay Rage muna ako, kukuha lang ako ng susuotin ko."

"Bakit hindi mo na kasi kunin ang mga gamit mo at doon ka na."

Naningkit ang mga mata ko. "Ayaw mo bang nandito ako?" Tanong ko.

"Wala akong sinabi. Eh kasi naman siguradong doon ka mananatili ng ilang araw kaya mas magandang dalhin mo na ang gamit mo para hindi ka mapagod sa pagpunta dito.

"Siguro may itinatago ka ano."

"H-huh? W-wala ah."

"Asus baka may babae ka dyan na nakatago, sabihin mo lang."

"Wala."

"Oh talaga lang ha, ilang babae na ata pinatulog mo dito eh, kilala kita Gabriel." Nginisian ko siya.

He was about to talk pero inunahan ko na. "Wag ka ng magkaila, bukas wag kang magpapapunta dito ng babae dahil dito ako matutulog, na miss ko ang kama ko ano." Sabi ko sa kanya. Napakamot lang naman siya ng ulo, halatang guilty eh. Kaya siguro mas gusto niyang tumira dito sa America eh dahil mahihilig siya sa mga foreigner.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon