Kabanata 27

3.8K 40 0
                                    


Hindi na kami dumiretso ni Rage sa school. Inihatid na niya ako sa bahay, kapag babalik din naman kami ay wala na akong papasukan na klase dahil tapos na at hindi rin natuloy ang practice namin dahil may mga kailangang gawin ang karamihan at hindi ko na nakausap si Connor, hindi pa rin daw sila pwedeng istorbohin.

Nginitian ko si Rage. "Maraming salamat."

"Your welcome." Kumindat siya. Bakit parang napapadalas ang pagkindat niya sa akin?

Papasok na sana siya sa kotse pero hindi ko inaasahan na makikita siya ni nanay na kakababa ng jeep.

"Rage ikaw ba yan iho? Naku aalis ka na ba? Anak eag mo munang paalisin." Ani nanay. Mabait na naman si nanay dahil nandyan si Rage.

Hindi na nakatanggi pa si Rage ng hilain siya ni nanay at dinala sa bahay.

"Mabuti naman at nakapasyal ka? Alam mo bang ilang beses kong sinabihan itong si Trina na iuwi ka dito para naman magkausap tayo, lalo na nung nalaman kong kayo na pala."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay. Tumingin ako kay Rage na nagulat din.

"P-po?"

"Naku wag na kayong magkaila. Alam kong kayo."

"Nay hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko.

"Ano ka ba Trina, wag mo ngang ikahiya si Rage, proud ka dapat na sabihin na boyfriend mo siya. Mabuti nalang at nakinig ka sa sinabi ko, sinunod mo ang utos ko."

Napasinghap ako sa sinabi ni nanay.

"Ano pong sinabi niyo at utos niyo?" Tanong ni Rage. Halatang natameme si nanay doon.

"N-na dalhin kita dito, na ipasyal kita dito." Mabilis na sagot ko.

Napaubo si nanay. "Oo yun." Natatawang sinabi ni nanay.

Kinabahan ako. Muntikan ng ipahamak ni nanay ang sarili niya at ako. Paano kung nalaman ni Rage ang kagustuhan ni nanay na akitin ko siya para mapunta sa akin. Mahirap na. Magagalit si Rage sigurado.

Hindi na ako komportable, ang daming tanong ni nanay tungkol sa amin ni Rage, kahit ilang beses naming sabihin na hindi kami ay hindi siya naniniwala, at nahihiya na ako dahil tungkol sa pera na ang sinasabi ni nanay dito.

"Nay kailangan na pong umalis ni Rage, may kailangan pa po siyang gawin." Pagsingit ko sa kanila, kapag nagpatuloy oa ang usapan tungkol sa pera ay iisipin ni Rage na mukang pera si nanay.

Nagpaalam na si Rage sa amin at umalis na.

"Ang ganda ng usapan namin ay pinaalis mo!" Sabi ni nanay, lumalabas na naman ang ugali niya.

"Kasi nga po kailangan na niyang umalis."

"Ang sabihin mo ayaw mo siyang ipakausap sa akin! Ang ganda ng pakiramdam ko kanina, pero nung umalis siya at ikaw lang ang nakikita ko ay sumasama na naman ang pakiramdam ko at nasisira ang araw ko! Wag ka munang magpapakita sa akin ngayon!" Bulyaw niya at pumasok siya sa kwarto niya.

Lumabas muna ako ng bahay para lumanghap ng hangin.

Kailan ba magbabago ang nanay ko?

____

"Missing in action ka kahapon. Isang oras kitang hinintay, mabuti nalang hindi natuloy ang practice." Ani Yna na sumalubong sa akin sa entrance ng University.

"Sorry nakalimutan kong tawagan ka, may nilakad kasi ako."

"With Rage?"

"Paano mo nalaman?"

"Edi sa mga tsismosa, may nakakita na magkasama kayo sa isang restaurant. Hay baku madaming CCTV ngayon kaya mag-iingat ka, susundan at susundan ang bawat galaw mo."

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon