3 YEARS LATER...."In another life, I would be your girl, We'd keep all our promises, Be us against the world, In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were, The one that got away, The one that g-." I stopped singing dahil may nag-off ng kantang ginagaya ko. Lumingon ako and I saw a man looking at me."I'm singing, bakit mo pinatay? Nag-eenjoy pa naman akong kumakanta.
"It's already time Katrina, nakaayos na ba ang lahat?"
"Of course, naayos ko na ang lahat kagabi pa."
"Are you ready?"
"I'm ready and I'm excited." Ani ko. "Bye the way Grego you're not coming home with me?" Tanong ko kay Grego.
"Mauna ka na, susunod ako. Don't worry there's a lot of men in black na sasalubong sayo sa airport." Anito.
"Okay, so let's go? Baka ma-late pa ako sa flight ko." Ani ko at kinuha ang shoulder bag ko, binuhat na ni Grego ang ibang gamit ko.
Bago pumasok ng kotse ay tiningnan ko ang bahay at ang paligid. I will miss this place, and I promise babalik ako dito. Nakangiting pumasok ako ng kotse.
"Thank you Grego." Pasasalamat ko kay Grego ng maihatid na ako sa airport.
"Thank you for what?"
"Thank you sa paghatid, see you soon. Take care." Saad ko.
"Okay, you take care also. And see you soon." Sabi nito.
"I gotta go." Nakangiting sinabi ko at naglakad na, muling nilingon ko si Grego at kinawayan, sumaludo naman siya sa akin.
Habang hinihintay ang pagpasok ko sa eroplano ay naisipan ko munang buksan ang facebook ko. I smiled when I saw a news about my brother Connor, at his young age he is now a successful business man, kailan lang nung nagtapos siya ng pag-aaral pero ngayon ay madami na siyang napatunayan.
Ano kayang magiging reaction ng family ko kapag nakita nila ako? Hindi ko kasi sinabi sa kanila na uuwi ako ngayon. I want to surprise them.
I off my phone dahil papasok na ako. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. This is it, this is it.
"Taga Pilipinas ka?" Tanong ng babaeng katabi ko.
Ngumiti at tumango ako.
"Sabi na eh, you know you look familiar, kamukha yung sikat na designer, accessory designer, si Karla Parker." Anito.
"Oh yes I know her." Ani ko.
"Oh my gosh she is my favorite designer, I love her, I love her designs." Anito. Madami na siyang kinwento sa akin. Mabuti nalang iyon at ng may nakakausap ako kaysa nabobored ako nasa biyahe.
"Welcome back to the Philippines." Nakangiting bulong ko pagkalapag ng eroplano.
Isinuot ko ang shades ko bago lumabas, inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang mga susundo sa akin. The men in black na sinabi ni Grego, and there I saw them kaya naglakad ako papunta sa kanila.
"Ma'am excuse me." Narinig kong sinabi ng babae at hinarang ako. Isang stewardess iyon. She smiled at me. "Nahulog niyo po ang passport niyo." Humihingal na sinabi nito at iniabot ang passport ko.
"Oh my gosh, thank you so much!" Saad ko, hindi ko napansin na may nahulog na pala ako, excited kasi ako masyado.
"Sige po. Mag-iingat po kayo." Ani ng babae at may kinawayan siya sa likod at iniwan na niya ako.
"Captain Aldeguer!"
I froze.
Aldeguer?
"Captain Aldeguer!"
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...