Kabanata 49

3.7K 34 0
                                    


"I'm sorry but I can't marry your daughter." Iyan ang mga katagang nagpagulat sa lahat, maging kami nagulat kahit alam pa namin na talagang ayaw nilang magpakasal sa isa't-isa.

"Connor what the hell!" Malakas na sinabi ni daddy, galit siya. Sila naman ni mommy ang hinarap ni Kuya.

"Mom, dad I'm sorry. Tatanggapin ko kahit anong parusang ibigay niyo pero sana lang wag niyo akong itali sa decisyon na kayo lang ang may gusto." Ani kuya.

Kinuha ni Patty ang isang mic. "Tito, tita, mommy, daddy. Ayoko ko pong matali sa taong hindi ko mahal. I'm sorry but I'm in love with someone." Ani Patty! Oh shocks! Sasabihin niya bang in love siya kay Darwin?

Tumingin ako kay Darwin at parang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Alam niyang may gusto sa kanya si Patty pero alam ko na kinakabahan siya dahil baka banggitin ni Patty ang pangalan niya. Tumayo si Darwin. "Lalabas na muna ako." Anito pero may bagong dating na umakbay sa kanya at pinaupo siya, si Gabriel.

"Why are you leaving? Maganda kayang panoorin ito tapos aalis ka lang." Sabi nito kay Darwin at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Tyron. "Aren't you excited na malaman ang pasabog nila?" Tanong ni Gabriel dito. Teka, mukang may alam si Gabriel sa mangyayari.

"But mommy! The one that I want to marry is Darwin!" Sigaw ni Patty na ikinagulat na naman namin, and Connor is in love with someone else." Pagpapatuloy ni Patty sa sinasabi niya. Gulat na gulat ang parents ni Patty, pati sina mommy at daddy. Hindi sila makapaniwala sa nangyayari. Nagbulungan na ang mga bisita. May sinabi si daddy kina kuya pero hindi namin naririnig.

Tumingin kami kay Darwin na parang hindi na alam ang gagawin dahil sa sinabi ni Patty, hindi siya makaalis dahil nakaakbay sa kanya si Gabriel, na kay Darwin na tuloy ang atensyon ng lahat, bumalik lang ang mga mata namin sa entablado ng magsalita si Kuya.

"We are sorry for disappointing you everyone, I'm sorry. But that, Patty is in love with my friend Darwin and the  girl that I love , ang babaeng gusto kong pakasalan ay nandito. Everyone I want you to meet my girlfriend Ynalaine Vergara!"

Ano?!

Napanganga kaming lahat, hindi makapagsalita dahil sa gulat. Si Patty ay gulat na gulat din. Dahan-dahan kaming napatingin kay Yna na hindi na nakagalaw sa kinauupuan niya, nanlaki ang mga mata niya, na shock din siya. Base sa reaction niya ay wala siyang alam sa sinasabi ni kuya!

Sila? Siya? Siya ang girlfriend ni Kuya?! Kailan pa? Bakit wala kaming alam.

"It's a very nice show!" Nakangiting sinabi ni Gabriel.

Lumapit si Kuya sa table namin, tumayo si Yna at akmang tatakbo paalis pero nahila siya ni Kuya at agad na hinawakan sa beywang at may biglang ibinulong si Kuya dito at mukang hindi na nakapagsalita pa si Yna at wala ng nagawa ng hilain siya ni Kuya papunta sa isang table kung saan nandoon ang parents ni Yna na hindi makapaniwala at naguguluhan sa nangyayari.

"Tita, tito, I'm sorry kung nagulat namin kayo, I'm in a relationship with your daughter, ilang buwan na din po kami, pero sa ilang buwan na iyon ay minahal ko po siya ng husto at mamahalin ko sa panghabang-buhay. I want to marry your daughter, gusto ko pong sa kanya ako ma-engage, kung papayag po kayo." Ani kuya.

Oh no!

Hindi makapagsalita ang parents ni Yna, hindi nila alam ang sasabihin nila.

"Nice idea, kung gawin ko rin kaya ito?" Ani ni Rage. Tiningnan niya ako kaya kumunot ang noo ko. Kumindat lang naman siya at muling tumingin kina Kuya Connor.

"Everyone!" Tawag ni mommy. "I'm sorry sa mga nangyayari ngayon. But if you don't mind ay ipagpatuloy niyo lang ang kasiyahan, gusto lang muna naming kausapin ang mga bata." Wika ni mommy. Pababa na ng stage sina Patty ng biglang may pumalakpak ng malakas.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon