Kabanata 32
Nagmamadali akong umalis dahil baka mapansin pa ako nina Tito Kevin at Tito Armando. Nanginginig pa ang mga paa ko at anumang oras ay siguradong bibigay iyon at matutumba ako at muntik na akong mapatili dahil sa may biglang humawak sa akin.
"G-Grego." Nanginginig na sambit ko.
"Ayos ka lang ba?"
"K-kailangan kong kausapin si Kuya, may nalaman ako, may narinig ako." Naiiyak na sinabi ko.
Luminga si Grego at inalalayan akong lumabas, pinapasok na muna niya ako sa kotse niya tsaka pumasok ulit para tawagin si Kuya Connor.
"Is there a problem Trina?" Tanong ni Kuya pagkapasok niya. Samantalang si Grego ay nanatili sa labas.
"A-about tito Armando Kuya." Ani ko. Tahimik lang naman si Kuya at hinihintay ang sasabihin ko. "He is the mastermind, siya ang dahilan sa aksidente na nangyari kina Rage, narinig ko, narinig ko kanina." Napaiyak na ako.
"I know, I know." Bulong ni Kuya, natigilan ako.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Una palang ay kahina-hinala na si Tito Armando, kaya ang ginawa namin ni Grego ay ang imbistigahan siya. Madami kaming nalaman na mga gawain niya, lahat ng ibidensya ay iniipon namin dahil pagkatapos ng libing ni donya Cecil ay ipapahuli na namin siya. Ang alam namin ay may malaking alitan sa pagitan ni Tito Armando at Tito Kevin. Hindi oa alam ni daddy ito kaya kakausapin ko siya bukas na bukas. Kahit tito natin siya, kahit kadugo natin siya hindi pwedeng hindi siya magbabayad sa mga kasalanan niya." Ani kuya.
"I think it's because of the incident na nangyari noon sa pamilya natin, iyon ata ang pinag-aawayan nina Tito Armando at Tito Kevin." Ani ko.
"What do you mean?"
"Dahil ang alam ni Rage ay ang daddy niya ang dahilan ng kaguluhan noon, na ang daddy niya ang may gustong kumuha sa akin, na ang daddy niya ay may galit sa pamilya natin. Iyon ang alam ni Rage, and tito Kevin talk to me na susuko na siya sa mga pulis, na magsasalita na siya." Ani ko.
Nakakunot ang noo ni Kuya na parang hindi naiintindihan ang sinasabi ko. "Walang kasalanan si Tito Kevin sa nangyari noon Kuya. Naalala ko na ang lahat, si tito Armando ang may gustong kumuha sa akin noon, siya ang may gustong sumira sa pamilya natin, siya ang may galit sa pamilya natin kuya, I saw him, the tattoo, his face, it's him kuya! Si tito Armando ang may pakana ng lahat. Pamilya natin ang target niya pero nadamay sina Rage dahil may alam ang daddy niya sa mga ginawa ni tito Armando." Umiiyak na sinabi ko.
"Kailan mo pa naalala?" Tanong ni kuya.
"Araw kung kailangan naaksidente sina Rage."
"You didn't tell me nung nasa hospital tayo? Why?"
"Because I'm not ready kuya, lalo na't nandoon siya sa oras na yun, I want to tell you pero natatakot ako."
"Damn it Trina! Mas magandang sabihin mo ng maaga hindi yung itinatago mo, paano kung may ginawa na siya, paano kung gumalaw na siya tapos hindi ka oa nagsasalita."
"I'm sorry kuya, I'm sorry."
"We will talk to dad right now, uuwi tayo at kakausapin natin sila." Ani kuya at lumabas ng kotse. Kasama niya si Grego na pumasok sa loob. Magpapaalam siguro sila.
Sumandal ako at pumikit. Nanginginig ako dahil mukha ni tito Armando ang nakikita ko. Napatalon pa ako sa gulat at nagmulat ng mga mata dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa bintana.
Napakapit ako sa inuupuan ko. Si tito Armando iyon! Oh my gosh! Anong gagawin ko? Mag-isa ko pa. Tiningnan ko ang mga pintuan mabuti nalang at nakalock ang mga iyon. Anong kailangan ni tito Armando sa akin? Alam niyang nandito ako? Tinted ang sasakyan kaya hindi niya ako nakikita pero parang alam niya na nandito ako. Kuya, Grego please, please lumabas na kayo.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Roman pour AdolescentsSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...
