Kabanata 33

3.5K 35 0
                                    


"Are you ready guys?" Tanong ko sa mga kasamahan ko.

"Yes we're ready!" Sigaw naman nila. Magsisimula na mamaya ang laro sa basketball, sana lang mairaos namin, at sana lang manalo ang team nina Rage na RimShot sa first game, at magtuloy-tuloy na hanggang finals.

"Samahan mo muna akong mag-cr, mahirap na, baka maihi ako mamaya dahil sa kaba." Ani ni Yna sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, ang lamig ng kamay niya. Kinakabahan siya.

Hinintay ko si Yna sa labas dahil madaming tao sa loob ng cr.

Napalingon ako sa likuran, hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin na lumingon ako. Parang may dumaan pa na malakas na hangin.

Hindi lang lima kundi pitong lalaki ang paparating. Naka basketball attire ang mga ito.

"Alley-Oops." Basa ko sa nakasulat sa Jersey nila. Sila ang mga kalaban ng RimShot! Players ng Ford University.

Ang tatangkad nila, kasing tangkad nina Rage ang mga ito, malalaki din ang mga katawan.

Taas noong naglalakad ang mga ito. Nagpagilid ako dahil baka mabangga nila ako. Pero huminto sa harapan ko ang lalaking nasa unahan nila kaya napahinto ang iba.

Sabay-sabay pa nila akong tiningnan. Napalunok ako. Kinakabahan ako.

Ngumiti ang lalaking nasa unahan. Ito ata ang captain nila. "Hi Viral girl." Anito sa akin.

Viral girl?

"Kaya pala soya familiar sa akin. Siya ang babaeng ilang beses nagviral dahil na link sa mga heartthrobs ng Parker University." Ani naman ng lalaki nasa likuran.

Napaatras ako ng lumapit ang captain nila pero wala akong aatrasan dahil pader ang nasa likuran ko. "I'm very curious kung anong itsura mo sa personal. Maganda ka sa picture pero mas maganda ka pala sa personal, you look like an angel." Nakangiting sinabi nito. "Kaya hindi mapagkakailang gustuhin ka ng mga kalalakihan." Sabi nito.

"Stop it Garth! Magsisimula na ang laro niyo mamaya kaya pumunta na kayo sa Court." Ani ni Yna na kalalabas lang cr. Kilala niya ang lalaking ito?

"Sure." Nakangiting sinabi ng lalaking tinawag ni Yna na Garth. "See you around Katrina Ramirez." Anito at kinindatan pa ako bago sila umalis.

"F*ckboy." Bulong ni Yna.

"Kilala mo siya?" Tanong ko.

"Schoolmate ko nung highschool, pero ahead lang siya sa amin. Kilala siya dahil sa pagka-f*ckboy niya, and masyado siyang mayabang." Sabi ni Yna. "At karibal siya ni Rage sa basketball, and naging karibal niya kay Vivian. Siya ang lalaking tinutukoy namin na pinatulan ni Vivian habang sila pa ni Rage."

Nanlaki ang mga mata ko. Siya ang lalaking yun? Na naging boyfriend ni Vivian habang sila ni Rage?

____

Kinakabahan mang magperform sa harapan ng maraming tao ay nairaos pa rin naman namin at ang sarap lang sa feeling na pinalakpakan kami ng lahot ng tao. Napakadaming nanunuod ngayon, parang finals na eh first game palang naman.

"We made it." Nakangiting sinabi sa akin ng mga kasamahan ko. Ang gaan ng pakiramdam na natapos na namin. Pero napalitan din agad ng kaba dahil magsisimula na ang laro.

Madaming fans ang Alley-Oops pero mas madami naman ang pambato naming Rimshot.

Sa una ay okay lang ang ginagawa nilang paglaro pero habang tumatagal umiinit na ang labanan, naghahabulan sila ng score, nangunguna ang Rimshot pero agad din namang nahabulan ng Alley-Oops.

Sobra na ang nararamdaman kong kaba. Magagaling silang lahat pero na kay Rage lang talaga ang atensyon ko. Seryosong seryoso sa Rage pagdating sa court. Masasabi kong he is the best captain! At best ang team nila dahil nagkakasundo silang lahat.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon