Kabanata 35

3.7K 35 0
                                    


Tahimik na pinagmamasdan ko ang pool at pinaglalaruan ng mga paa ko ang tubig.

Tumingala ako sa langit, malalim na ang gabi pero heto pa rin ako gising na gising.

"Baka mahulog ka na naman, hindi ka pa naman marunong lumangoy." Napalingon ako sa nagsalita.

"Tyron bakit gising ka pa?" Tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko. "Ikaw dapat ang tanungin kung bakit gising ka pa, may masakit ba? Masakit ba ulit ang ulo mo?" Tanong nito.

"Hindi naman, hindi lang ako makatulog."

Inalis nito ang suot niyang bonet, at isinuot niya sa ulo ko iyon. "Hindi pwedeng malamigan ang ulo mo, baka mas lalong sasakit yan."

"Salamat." Nakangiting sinabi ko. Napatingala ako sa second floor ng bahay, sa terrace mismo, kumunot ang noo ko, nakita ko ang isang anino na pumasok sa loob.

Sino yun?

___

"Lola good morning." Bati ko kay Donya Cecil kinaumagahan ng puntahan ko siya, saktong katatapos lang siyang pakainin ng nag-aalaga sa kanya.

"Magandang araw iha, kumusta ang pagtulog mo?" Tanong nito sa akin.

"Ayos lang naman po, nakatulog po ako ng maayos."

"Hintayin mo ako dito iha, magbabanyo lang ako." Anito. Inalalayan namin si Lola na makatayo at pinaupo sa wheelchair niya. Pumasok na sila sa cr at ako naman ay naghintay nalang sa labas.

Pinagmasdan ko ang kabuo-an ng kwarto. Mag-isa lang ng matanda dito pero parang kasya ang ilang tao. Malawak masyado.

May mga nakita akong album na nakalagay sa ilalim ng mesa, nilapitan ko iyon at binuksan. Mga litrato ni Donya Cecil kasama ang isang lalaki, marahil ito ang asawa niya. May mga litrato din doon ang mommy ni Rage, maging si Rage may litrato doon noong maliit pa siya.

"Napakagwapo mo din pala noong bata ka pa." Bulong ko at hinaplos ang picture ni Rage.

Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga pictures, pinakatitigan ko ang litrato ng mommy ni Gabriel na si Ma'am Kyla.

May picture din doon si ma'am Kyla at Mrs. Parker,   nasa tabi nila ang dalawang bata, si Gabriel iyon at sa tingin ko si Connor yung isa at hawak ni Mrs. Parker ang anak nitong babae.

Natigilan ako, pinagmasdan ko ng husto ang picture nila, ang taong nakuhanan na nasa likuran nila,  hindi ako pwedeng magkamali. Bakit nasa picture si tatay? Si tatay ang nasa likuran nila nakatayo sa tabi ng isang kotse.

"Lahat ng memories nandyan sa album na iyan. Lahat ng mga masasayang araw namin ay nandyan, nakalagay lahat dyan."

Napatayo ako at naisara ang album ng biglang magsalita si Donya Cecil na kalalabas lang ng banyo.

"Ayos lang iha, maupo ka, ikwekwento ko sayo ang mga kwento ng mga nasa album." Sabi nito at doon at inisa-isa naming tiningnan ang mga iyon at ikinwento ang mga nasa likod ng mga litrato.

"Ito po lolo?" Tanong ko kay Donya Cecil at itinuro si tatay na nasa likuran nina Mrs. Parker at Ma'am Kyla.

"Ang pagkakaalam ko ay siya ang driver ng asawa ni Karla na si Carlos Parker, kaibigan ito ni Carlos at pinagkakatiwalaan, at kahit hindi namin siya kaano-ano ay napakabuti niya sa aming lahat. Ngunit matagal ko ng hindi siya nakikita magmula nagkagulo ang lahat." Kwento ni Donya Cecil.

Kumunot ang noo ko. Nagkagulo? Anong gulo kaya ang nangyari?

"K-kasi po, siya po ang tatay ko." Ani ko na ikinagulat naman ni Donya Cecil.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon