Kabanata 21

4.1K 44 0
                                    

Kumunot ang noo ko dahil sa nakangiti si Patty at nakatingin sa kung saan. Kanina ko pa siya kinakausap pero hindi niya ako sinasagot at hindi siya nakikinig.

Sinundan ko ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang tinitingnan niya.

"Patty!" Tawag ko sa kanya at mukang nagulat siya.

"H-ha?"

Ngumiti ako. "Kanina pa kita kinakausap, pero busy ka na nakatingin kay Darwin, nakangiti ka pa, gusto mo ba siya?"

Natahimik siya sa sinabi ko.

"H-hindi ah. Sa iba kaya ako nakatingin." Sabi nito at ipinagpatuloy niyang kumain. Namumutla pa siya.

"Akala ko kay Connor ka biglang ma-fall, bakit kay Darwin?"

"Oh my gosh, never akong magkakagusto kay Connor, at ang nakakainis pa ay may usapan pala ang parents ko at parents niya na magpapakasal kami 2 yrs from now."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Arrange marriage kayo ni Connor?"

"Oo, nakakainis nga eh, hindi dapat pumayag si Connor kasi hindi ako papayag, at may gusto akong iba ano." Sabi nito.

May gusto siyang iba?

Bakit hindi ko alam na may gusto na pala ito?

"Si Darwin ba?" Tanong ko, pinanlakihan naman ako ng mga mata at may isinesenyas siya pero di ko maintindihan.

"I heard my name? Pinag-uusapan niyo ako?"

Napatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko na pala si Darwin.

"Ah hindi, hindi. Nabanggit lang kita, about sa nangyari." Sabi ko at nginitian siya.

Ngumiti nalang si Darwin at humakbang na paalis.

Nakita ko ang pagbuga ng hangin ni Patty.

Natawa ako. "Hindi ko alam na may pagtingin ka pala sa kanya? Paano? Saan?" Tanong ko.

"Ikwekwento ko nalang sayo sa susunod. Madami akong ichichika." Ani Patty.

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara dahil kumikirot ang ulo ko.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Patty.

"Ang sakit ng ulo ko."

"Gusto mong pumunta sa clinic? Tara sasamahan kita."

Umiling ako. "Wag na, nawawala na rin ang sakit." Ani ko.

"Parang napapadalas na ata ang pagsakit ng ulo mo ah, magpa-check up ka na kaya, kung gusto mo ay samahan pa kita."

"Hindi okay lang, pagod lang siguro ito." Ani ko. Sa totoo lang ay nagtataka nga ako, napapadalas na nga ang pagsakit ng ulo ko.

Ayokong magpa-check up, natatakot akong pumunta ng hospital.

___

Naghiwalay na kami ni Patty, nagpunta na siya sa department nila ako naman habang papunta sa department namin ay napahawak ako sa ulo ko, walang tigil talaga sa pagkirot at nahihilo na ako.

Napatalon ako sa gulat dahil may humawak sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon, blurd ang aking paningin.

Ilang beses akong pumikit para luminaw ang mga mata ko.

"R-Rage." bulalas ko ng makita kung sino ang nasa harap ko.

"Are you okay?" Tanong niya. "Sinundan kita dahil nakita kong parang nahihilo ka, namumutla ka." Nag-aalalang sinabi nito.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon