"Madami ka pang ikwekwento sa akin." Ani ko kay Yna ng lumapit na siya sa table namin. Simula kasi kanina ay hindi na ito nakaupo pa dahil sa pakikipag-usap nila ni Kuya sa mga bisita."I know, I know. Nakaready na akong saguting lahat ng katanungan niyo." Sabi niya.
"Bukas mo nalang sabihin ang lahat, halatang pagod ka." Ani ko, hinanap ng mga mata ko si Kuya, kausap niya ngayon sina Rage.
"I want to go home, kanina pa masakit ang ulo ko, pero hindi pa pwedeng umuwi, Tita Karla asked me to stay at sa bahay niyo matutulog dahil madami pa daw pag-uusapan" Sabi ni Yna at parang maiiyak na.
"Your relationship with Connor, is it true or not?" Tanong ni Patty.
"No." Diretsong sagot ni Yna. Nagulat kami. So wala talaga silang relasyon. "Fake relationship, I'm just a fake fiance for him. He still love Quincy that's it." Ani Yna na parang nalungkot.
"Eh ikaw? Mahal mo ba si Kuya?" Tanong ko. Saglit ito natigilan.
"Hindi." Halos pabulong nitong sinabi. Nagsisinungaling siya. May nararamdaman siya para kay Kuya, ayaw niyang aminin.
Nakangiting lumalit si Kuya sa amin. "Yna, Mr. Fernandez want to talk to us." Ani ni Kuya kay Yna.
Tumayo si Yna. "I can walk." Mataray na sinabi ni Yna kay kuya, aalalayan kasi sana siya nito.
"Excuse us ladies." Nakangiting sinabi ni Kuya sa amin at sinundan na si Yna.
"Your brother is still in love with your ex, pero hindi malabong mahulog ang loob niya kay Yna, sinasabi ko sa inyo, maiinlove siya kay Yna." Ani ni Patty. Then I will that moment to happen.
"Everyone! Hello!" Lahat kami ay napatingin sa stage dahil nagsalita si mommy. "Thank you again for coming. It's getting late and I know pagod na rin ang lahat. Thank you for being there with us, walang tigil sa pagsuporta, may isang special announcement sana kami but we decided na hindi muna ngayon oras para sabihin kung ano yun.", Ani mommy, ang special announcement sana ata nila ay ang tungkol sa akin. "Again thank you and good evening." Nakangiting ani ni mommy at pumalakpak naman ang lahat.
Paisa-isang umaalis na ang mga bisita. Kailangan ko na rin umuwi, makikisabay ako kina Patty. Nagpaalam muna ako kina daddy at mommy, gusto nilang ipahatid ako pero tumanggi ako, sumunod naman akong nagpaalam kina Kuya at Yna na hanggang ngayon may kausap pa.
"Sayang hindi kita maihahatid, if you want hintayin mo ako babakikan kita? Ihahatid ko lang si mommy." Ani ni Rage sa akin.
"Naku wag na, ok—."
"Ako na maghahatid sayo." Sabi ni Tyron.
"No ako na." Mabilis na sinabi naman ni Rage.
"Ihahatid mo pa si tita, kaya ako ng bahala kay Trina." Saad ni Tyron. Huminga ako ng malalim. Nagsisimula na naman kasi sila.
"Rage , Tyron." Tawag ng mommy ni Rage sa kanila. "Nagtatalo ba kayo?"
"No.", Sabay na sagot ng dalawa.
"Parang papunta na sa pagtatalo eh."
Oo nga eh, papunta na doon eh.
"You know what." Singit ni Gabriel at inakbayan ang dalawa. "Rage ihatid mo na si Tita, Tyron you can go home dahil hindi maka drive ang daddy mo so ikaw daw ang magdrive for them, pinapatawag ka sa akin. Don't worry about Trina, ako na ang maghahatid sa kanya. Ligtas siya sa akin." Tinapik-tapik ni Gabriel ang likod nina Rage at Tyron, wala ng nagawa ang dalawa.
Bago umalis ay nag-usap muna kami ng mommy ni Rage. Sumenyas si Rage sa akin na aalis na daw sila at hindi ko maiwasang itago ang ngiti ko ng nag flying kiss siya at kumindat pa. Ang hilig niya kumindat.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...