Kung gusto mo.
NAOMI
Dinala kami ni Sid sa isang restaurant na may live band! Ayos to ah!
Si Donny at Sid na ang nag-order ng mga kakainin namin.
Kanina pa ko napapaisip! Medyo napapangiti narin ako, si Donny at Sid kasi, para bang ate at kuya talaga sila! Sobra kung umasikaso samin. Ewan ko kung ako lang ba ang nakakahalata pero, alam ko na naman tong ginagawa ni Donny eh!
Gusto nya kaming maging maayos! Gusto nya na matapos na yung iringan naming anim! I know Donny too well! Bawat kilos nya, nahahalata ko agad kung anong ibig sabihin nun.
Minsan lang si Donny maging ganito! Yun bang gagawin ang lahat para lang maging maayos na ang problema! Hayyy...
"Gino! Pst!! Gino!!" Tawag ko kay Gino na nasa kabilang dulo ko.
"Yes baby?" Ugh!! Kairita! Pero magpapakipot pa ba ko? Syempre kinikilig narin ako ah!
"Dito ka sa tabi ko!" Utos ko sakanya. Pansin ko ang pagpalit ng expression ng mukha nya!
May halong gulat at para bang di sya makapaniwala. Naku! Ang arte naman talaga nitong lalakeng to! Tsk! Pero... Ang cute!
"Ehem! Sige na! Lilipat na ko!" Nakangising ayon ni Yumi na katabi ko sabay kindat pa sakin bago tumayo! Sila kasi ni Neal ang nasa gitna namin ni Gino.
"Hoy! Gumising ka nga! Di ka nananaginip!" Pangaasar pa ni Yumi kay Gino sabay hatak pa nya rito paalis sa upuan nya.
Agad namang pumunta sa tabi ko si Gino. Kanina lang ang daldal daldal nya tapos ngayon halos di naman nagsasalita.
"Ayos ka lang?" Tanong ko, tameme na kasi sya eh!
🎶 "Maari bang malaman ko
Kung feel na feel mo nang sabihin
Sana ay sabihin na ito
Request ng puso ko'y ikaw
Kung tameme ka tsong
Ako na ang manliligaw" 🎶
Napalingon ako dun sa vocalist na babae sa live band! Sinabi ko lang na natameme si Gino, kumanta naman biglang ng tameme ni jolina! Kaloka! Nagkataon lang ba? Imba!
"O-okay lang!" Napalingon ulit ako kay Gino na sinagot na pala ang tanong ko.
"Wag ka ngang maginarte! Pinatabi lang kita sakin, nagkaganyan ka na!" Natatawa ko namang sabi.
"Hmm... Nakakapanibago lang! Eh kanina kasi bwisit na bwisit ka pag malapit ako sayo! Tapos ngayon—"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.