Pag-aari ko.
MAYUMI
"I think hindi mo kilala kung sino-sino yang mga nasa harapan mo, Alex!" Nakangisi lang si Chino. Napansin kong ganun narin ang naging expression nung tatlo pa.
"Huh?" Takang tanong nung Alex. She's getting into my nerves! Maraming ganyang ugali sa manila pero ewan at komportable akong mainis ng sobra sakanya!
"Let us introduce them to you!" Nakangising paningit naman ni Gino sabay lakad papunta kay Nao.
"First! This is Nao... Naomi Imperial!" May diin ang huling pagkakasabi ni Gino.
"Next is Donny... Donnalyn Cojuangco!" Si Sid ang nagpakilala kay Donny.
"And this one is Aly... Alysson Benitez!" Napalingon ako kay Chino na nasa tabi ni Aly. Hindi nawawala yung mga ngisi nila.
"Ang last but not the least--"
"This is Yumi... Mayumi Buencamino!" Pagputol ni Neal kay Sid.
Agaran kaming nagkatinginan na apat bago ibaling yung atensyon namin dun sa apat rin na babaeng higad!
Gusto kong humalakhak. Namumutla ang mga mukha nila! halata mo rin ang pagkagulat nila sa nalaman nila! Ibang klase tong mga to!
"Oh! Sa expression palang ng mga mukha nyo, mukhang ngayon kilala nyo na kung sino talaga sila!" Ayon pa ni Chino.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Donny. Pero mas nagulat ako ng halos tingalain sya nung apat! Masyadong matangkad si Donny para sakanila! Hmmm...
Nilingon ko si Nao at Aly. Tinanguan nila ko at alam ko na kung anong ibig sabihin nun. Kung matangkad na si Donny para sakanila, pano pa kaming tatlo na mas matangkad kay Donny?
Trip lang! Ang ganda kasi nila tignan pag namumutla! Parang kabadong kabado na! Sabay sabay nalang kaming tatlo na tumayo.
Ang hirap magpigil ng tawa dahil nakaawang yung bibig nila at nakatingala samin. Boom!!
"Uhm! Sorry huh? Sabi kasi ni Manang Chiki na maupo lang kami at wag nang tumulong! Sumusunod lang kami!" Malumanay na paliwanag ni Donny.
Hindi naman sincere yan! Basa ko sa mga mata nyan na may inis rin syang nararamdaman dun sa apat! Sino ba naman kasing di maiinis na makakita ka ng talking higad?!
"H-huh? W-wala yun! S-sorry pala!" Utal utal na sagot nung Alex.
"P-pagpasensyahan nyo na sya!" Paghingi naman ng pasensya nung babaeng naka-yellow! Na sa pagkakaalala ko sa narinig ko, Merissa ang pangalan
"Ayyyyy!! Hi! Hello! Kamusta kayo? Ako nga pala si Dianne Lacsamana!" Energetic na paningit naman nung babaeng naka-pula na Dianne daw ang pangalan!
"Tsss.. Famewhore!" Bulong ni Aly kaya nilingon ko sya at nakitang salubong lang yung kilay nya habang nakangisi pa!
Lumakad yung Dianne palapit kay Nao at hinablot ang kamay nito para makipag-shake hands! Ugh! Trying hard masyado!
"Hello Naomi!.... Hi Donnalyn!.... Hi Mayu--"
Hindi nya naituloy ang sasabihin sakin ng humakbang ako paatras dahil gusto nya ng hablutin ang kamay ko. As if ipapahawak ko to sakanya?
"Nah! I'm good! No need na hawakan mo pa ko!" Nakangisi kong sabi. Nawala yung pagkunot ng noo nya at napalitan ng alam kong plastic na ngiti.
"Ay!! Okay lang! Okay lang! Hehe" Aba dapat na okay lang! Ano? Ako pa mag-aadjust sayo?
Pansin kong ginaya ako ni Aly at di rin nagpakamay dun sa Dianne! Okay! Confirmed! Famewhore nga ang babaeng ito! Walang halong duda! Hindi lang sya! Alam kong lahat sila! Bigyan sila ng masigabong halakhakan! Tss!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
BeletrieSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.