Chapter Twenty-Three

338 8 0
                                    

It's now or never.

MAYUMI


"Ano na bang balak mo? Tandaan mo Yumi, the day after tomorrow... Aalis na tayo!"

Tahimik lang akong nakikinig kay Donny. Naglalakad lakad kami sa labas ng bahay. Actually, sa kalsada. Bawat makita naming tao, nginingitian lang namin.

Oo! Aalis na kami the day after tomorrow! So kung may kailangan akong gawin, kung hindi ngayon, hanggang bukas nalang!

Bat ba ang bilis bilis? Nalilito pa ko! Ugh!! Nagiisip ako agad ng mga negative na pwedeng mangyari! Tsk!

"Ewan ko parin!" Malamig kong sagot kay Donny.

Sinulit ni Donny and Sid ang panahon. Nung last time na nalaman nilang isang linggo nalang kami dito, after nun, lagi na silang magkasama! Di naghihiwalay! Ang saya nila laging tignan!

Nakwento narin samin ni Nao ang napagusapan nila ni Gino. For me, it's too risky! Pero kung yun ang desisyon ni Naomi. Susuportahan nalang namin sya at iintindihin.

About Aly and Chino. Mukhang natanggap na naman ni Chino ang desisyon ni Aly. Pero kahit ganun, di na sila tulad ng dati kung maglambingan! Halos di narin sila nagkakausap! Panay ang iwasan nila! Sinabi ni Aly na gusto nyang maging kaibigan parin si Chino kaso mukhang malabo yun mangyari sa ngayon.

"Ano ba Yumi! May paa ang oras at mabilis itong tumatakbo! Make up your mind! Wala ka ng panahon!" Halos paulit ulit lang naman tong sinasabi ni Donny.

"Maybe... Tomorrow?"

"Tomorrow? Nanaman? Pangilan mo na yan ah?! Hayyy... Look Yumi! Ang gusto ko lang, maayos kayong maghihiwalay ni Neal--"

"Aba teka! Bat maghihiwalay? Kami ba?"

"Tsk! That's not what i mean! Naku talaga! Ang ibig ko lang sabihin. Magkakalayo kayo ulit at pareho nating alam na may something! You know? Something na kailangan klaruhin!"

"Ugh!! Oo na Donny! Promise! Bukas na talaga! At least, kung may magalit man, okay lang! Kasi kinabukasan nun, aalis na naman tayo!"

Hindi sumagot si Donny pero panay iling sya. Nakakainis na para bang pinapakita nya na ang hina ko at di ko nalang ngayon gawin!

Well, osige na! Mahina na kung mahina! Ngayon lang naman! After this, i swear sa lahat ng muscles ni Neal na babalik na ko sa dati. Babalik na ang dating Mayumi!


*Kinabukasan*


Tapos na kaming maglunch. Nandito kaming lahat sa bamboo seat at panay dikit lang kay Manang Chiki.

"Naku! Lumayo nga kayo ng kaunti! Mahihirapan ako nyan lalo pag makita ko kayong iiwan na naman ako eh!" Malungkot na ayon ni Manang.

"Kasi naman po! Sama na kayo samin! Sige na po Manang!" Pangungulit ni Nao.

"Alam nyo namang, di ko maiiwanan ang Sitio! Tsaka, okay naman ako dito eh!"

"Tama nga naman! Tsaka, If Manang will go with us, what about Mang Chito? Diba?" May pag ngising ayon naman ni Aly.

"Ayyyy! Oo nga pala! May lovelife na maiiwan si Manang dito kung sasama sya satin! Okay. Sige po Manang! Steady nalang po kayo dito!" Natatawang pang-asar ni Nao.

"Basta manang! Bridesmaid po kami sa wedding nyo ah?" Pangaasar naman ni Donny.

Bigla kaming inisa-isa ni Manang ng bahagyang hampas sa braso.

"Manang! Bat kasali po ako? Di na nga po ako nagsasalita dito eh!" Pagprotesta ko habang nakangiti lang.

"Eh syempre! Para pantay pantay!" Natatawang sagot ni Manang.

Saglit kaming nagkatinginang lahat bago magpakawala ng halakhak. At ng medyo humupa na at ok na kami, niyakap kami bigla ni Manang. Kahit di na abot ng kamay ni Manang si Aly at Ako, kami nalang ang umusog.

"Hayyy! Kayong apat ang anghel ko! Kayo ang umayos sa nasira kong pag-ibig! Sainyo ko naranasan ang maging nanay kahit papaano! Mamimiss ko kayong apat! Sana lagi nalang bakasyon para di nyo na ko kailangan iwan ulit!"

"Awww! Manang naman eh! Maiiyak na po ko nyan!" Maarteng ayon ni Aly.

"Naku Manang! Lagi po namin kayong kakamustahin at di naman po namin kayo kakalimutan!" Ayon naman ni Donny.

"Basta nga Manang huh? Pag kasal mo na po, kami una nyong sasabihan! Kami po bahala magayos sainyo! Ang ganda nyo pa naman po!" Parang maiiyak na ayon naman ni Nao.

"Babalikan ka po namin Manang! Promise! Di na po mangyayari yung nangyari noon!" Nakangiti ko lang na ayon.

"Haayyy naku! Magiingat kayo palagi huh? Hihintayin ko ang pagbalik nyo rito! Mahal na mahal ko kayo mga hija!"

Naiyak na ng tuluyan si Manang.

Ayan na! Damay damay na lahat! Bukas na kasi ang alis namin pabalik ng Manila. Maiiwan na naman namin si Manang dito! Pero tulad nga ng sabi ko, di na mangyayari yung nangyari noon! Babalik at babalikan na talaga namin ngayon si Manang dito.

Nagkayayaan na kaming magsipasukan sa bahay dahil dumidilim na! Pinagpapahinga na kami ni Manang dahil umaga ang alis namin.

"Yumi!"

Natigilan halos kaming lahat dahil sa may tumawag sakin.

Ngayon na ba? Kailangan pa ba talaga naming magusap? Natatakot ako! Pano kung di matapos ng maayos?

Ugh!! It's now or never?

"Neal..."


SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon