Just focus!
ALYSSON
Days, weeks and months have passed. Finally! Konting konti nalang at makaka graduate na kami-- sila-- sana pati ako?
"Alam mo? Kung di lang kita kaibigan at kilala talaga? Baka pinatapon na kita sa mental!"
"H-huh?"
"My god Aly! Kanina pa kita tinitignan! Abot tenga ngiti mo kanina then all of a sudden biglang kumunot ang noo mo at ngayon malungkot ka na! Sira na ba talaga ulo mo?"
"Wow! Wow lang talaga Yumi! I'm not crazy... baka slight lang? Ay no! Hindi pa sira ulo ko ah!"
"So? Ano nga? Trip mo lang yan?"
Saglit akong tumahimik. Nandito kasi kami sa round table, kami lang dalawa! Buti nalang mahangin dito kasi pakiramdam ko masusuffocate ako dahil sa inaalala ko.
"Makaka-graduate kaya ako?"
Hindi agad nakasagot si Yumi. Tinitigan nya lang ako habang salubong ang kilay nya. Why? What? Hindi ba maayos make-up ko kaya ganito sya maka tingin?
"Y-yumi?"
"Wait lang Aly hah? Seryoso ba yang tanong mo? As in itatanong mo pa talaga yan?"
"Grabe! I know it's a 50/50 chance pero you don't have to rub it on my face pa!"
At isang malutong na pag batok ang natanggap ko. Ugh!
"Sana nagising ka! Tch! Aly naman, natural makakapag tapos ka! Wag kang nega jan!"
"Eh kasi naman--"
"Eh kasi, eh kasi! Tigilan mo na hah?! Sabay sabay tayong matatapos! Period!"
"Pero what if di nga ako pumasa--"
"Papasa ka!"
"Yumi--"
"I said papasa ka!! Tumahimik ka na!"
Tumahimik nga ako. Ano ba kasing di nya maintindihan sa explanation ko? I'm like rank #25 sa section namin. And believe me, 27 lang kaming lahat sa isang section.
Kinakabahan lang naman ako kasi baka ngayon pa ko sumabit. Kahit naman kasi pilitin ko, di kinakaya ng utak ko tanggapin lahat. Pano kung lahat sila pumasa, and then maiwan ako? Bukod sa nakakahiya, parang nakakaawa naman ako pag ganun.
* * *
Finals na tomorrow pero ngayon palang ako nagsisimulang mag review. Hindi ko to ugali kaya halos di ko alam pano magsisimula. Ano bang una kong pag aaralan? My god! This is so hirap!!
"Anak? Nasa baba si Chino!" Nakasabunot pa ko sa buhok ko ng lingunin ko si mommy.
"Bababa nalang po ako!" Malumanay kong sagot.
Ano naman kayang ginagawa nun dito? Sinabihan ko naman sya na busy ako ah? Tch! Wag nya kong mayaya-yaya na lumabas at baka... At baka bumigay ako! Grabe! Tukso, layuan mo ko... please?
"Chino!"
"Hi there beautiful!"
"Seriously?"
"Ang sungit naman! Anyway, tara--"
"AY! Ayan na nga ba sinasabi ko eh! If you're trying na yayain ako lumabas for a date, no thank you! Busy ako!"
"Huh? Uh! Hindi! I mean, tara? Sabay tayo magreview para sa finals!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiksi UmumSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.