Bawing-bawi.
DONNALYN
"Baby! Hold on tight huh? Konti nalang gagraduate na si mommy at daddy mo then lalabas ka na!" Nakangiti kong kinakausap ang baby ni Nao. Panay himas ako sa tyan nya.
"Donny! Ikaw kaya? Kailan ka magkaka-baby?"
"Naku Nao! Ewan ko! Basta ang gusto ko lang, magtrabaho muna after natin magtapos!"
"Goal ko din yan noon eh! Alam mo yun diba? Kaso eto, mauuna muna ang baby at kasal! Napa-aga paglaglag ng panty ko eh!"
"Haha! Baliw ka talaga!"
Nagkatawanan nalang kami ni Nao. Nandito kasi ako sa bahay nila at iniintay ko nalang si Aly at Yumi. Bonding naming apat ngayon at walang pwedeng mang-istorbo.
"Nao! Donny! Nandito na yung dalawa!" Ayon ni Tita Nancy.
Hinintay naming pumunta yung dalawa dito sa garden. At nang makita na namin sila, agad kong napansin si Yumi. Wala naman sigurong nagbago sakanya kaso... Ang blooming nya!
Nung nakalabas sya sa ospital, ganyan na sya! Palagi na syang nakangiti pero as usual, di parin naman pala-daldal pero talagang may nagbago na sakanya.
"Hi girls! Nao! Eto na yung pinapabili mong twix, galaxy, cadbury, kitkat, toblerone at chocolate drink! Complete yan ah! Wala akong nakalimutan!" Bungad agad ni Aly.
"My god Naomi! Ewan ko nalang kung hindi magmukhang chocolate yang baby mo!" Nakangising ayon naman ni Yumi.
"Bat ba? Ewan ko nga eh! Ganito ba talaga pagbuntis? Kilala nyo naman ako, di ako mahilig sa chocolates kaso eto talaga hinahanap ng panglasa ko! What do you think?"
"Sabihan mo si Neal na buntisin ako para masagot ko yang tanong mo!" Taas-kilay na sagot ni Yumi. Hay naku!
"Yumi naman eh!"
"Bayaan mo sya Nao, maybe that's part talaga ng pregnancy! I have'nt heard pa naman na buntis tapos di naglilihi!" Depensa ni Aly.
"Himala! Pinagtanggol mo yata si Nao ngayon?" Pangaasar ko naman.
Natigilan si Aly at napatitig nalang kay Nao na kanina pa naman talaga nakatitig sakanya! Bago naman kasi yun eh! They normally fight pero ngayon... Hmmm
"Epekto ni Chino?" Pangaasar na tanong ni Yumi.
"I... I really don't know!" Talagang nagtatakang tanong ni Aly. Ewan ko kung sagot nya yun kay Yumi or sagot nya sa sarili nya.
Napa-iling nalang kami ni Yumi habang si Nao naman ay nilalantakan na yung mga pinabili nya kay Aly na chocolates. Para syang bata! Literal! Kumakalat na yung ibang chocolate sa gilid ng labi nya! Jusko talaga!
Natahimik kaming tatlo at panay nood lang kay Nao. Sanay na yan! Kami naman kasi ang hindi sanay sakanya ngayon. Ang weird lang pero siguro ganito lang talaga kapag nagbubuntis.
Tapos na ang sembreak at balik-aral nanaman kami the day after tomorrow. Ang bilis na halos di ko nga yata naramdaman. Well, nevermind nalang kasi pag december naman halos parang sem break din ang tigil ng pasukan.
"Babalik tayo sa Sitio on christmas?" Biglang tanong ni Aly habang nagsusuklay pa ng buhok.
"Ewan." Sagot ni Yumi.
"Baka!" Sagot naman ni Nao.
"Siguro?" Sagot ko.
"May gosh huh! So tipid naman magsisagot nitong mga to! Wala bang mas mahaba?"
"Aly, it depends pa kasi!"
"Pero Donny--"
"Ang ingay mo! Tahimik!!" Iritang saway ni Nao kay Aly.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiksi UmumSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.