Chapter Forty-Seven

80 2 0
                                    

Throwback

ALYSSON



"Aly?"

Halos bumilog lang ang mga mata ko. Gosh! Of all people!!

"M-mommy!"

Hindi ako makakilos! Nakita nya ba kami? Narinig nya? Ano ba?! Grabe! Wala na sa tamang katinuan tong isip ko ngayon! Kinakabahan ako at the same time natatakot! Baka bulyawan na naman ako ni mommy! Baka magsumbong pa kay Dad—

"What's happening here?"

Shit! As in Shit talaga with a capital S!

"D-daddy!"

"Oh! You're here na! And... You're with a friend pala! Hi hijo!" Nakangiting bati ni Daddy kay Chino.

Oh my gosh!

Lupa lamunin mo na ko! Please lang! I'm begging youuuu!

"Good evening po sir! Hinatid ko lang po si Aly dito!" Agad namang sagot ni Chino. Nilingon ko sya at para bang wala lang sakanya na biglang sumulpot ang parents ko! Seriously?!

"Ohh! Is that so? Hmm.. Naku! Come inside muna!"

"Hindi na po sir! I need to go narin po!"

"Ganun ba?"

"Opo! Pano po? Mauna na ko! Nice meeting you po Mr. and Mrs. Benitez!... Sige Aly! See you at school nalang!"

Wala ako sa sarili ko habang napapatango nalang. Sinundan ko lang ng tingin si Chino hanggang makapasok sya sa kotse nya at makaalis na.

Niyaya na naman ako ni daddy na pumasok na sa loob. I was about to go up to my room kaso natigilan ako sa malakas na pagdikit ni dad sa mga palad nya.

"Ay!! Hindi ko natanong ang pangalan nya!" Ayon pa ni Daddy.

Dahan-dahan ko silang nilingon ni mommy.

"Christoffer... Christoffer Montalban po!" Halos di ako makatingin sakanilang dalawa.

"Wait! Montalban? Aly—"

"Yes po mommy! He's your friends' son!"

"Really? Anak naman! Bat di mo agad sinabi?"

Hindi ako makasagot. Actually, nagiisip ako ng dapat kong isagot! Parang natuyo nalang bigla yung lalamunan ko! Urong na urong narin ang dila ko.

"Dad naman! How would you expect na magsalita pa yang si Aly after i caught them?" Biglang ayon ni mommy. Shit!

"Huh?"

"Wala lang! I just saw them hugging then after that, laughing! Ayun lang!"

Nakangisi sakin si mommy! Ibang klase ka talaga mom! Ang lakas mo forevs!

Agad akong tumakbo pababa sabay yakap kay mommy.

"Mom!! Baka kung ano pong iniisip nyo! I'm not that kind of girl po! You know naman that diba? Tsaka—"

"Calm down anak! Ano ka ba? Wala namang kaso sakin yun!" Pero biglang pinikot ni mommy ang tenga ko. Ugh!!

"Pero sa susunod! Papasukin mo dito sa bahay! Ano ka ba? You're hugging each other outside! Hindi dapat ganun! Kababae mong tao eh—"

"Oh tama na! Tama na!" Natatawang pag awat ni daddy kay mommy.

"Ugh! Sorry na po!"

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon