Sugal.
NAOMI
Wednesday at vacant day namin ngayon. Magkasama lang kami ngayon ni Gino at naglalakad lakad lang dito sa isang open park! Sabi nya date daw namin to! Sus! Medyo corny!
"Gutom ka na?" Tanong nya habang nagse-sway sway yung mga kamay naming magkahawak lang.
"Busog pa ko eh!" Sagot ko lang.
"Awkward ba?"
"Ang alin?!"
"Itong ginagawa natin? Di mo trip?"
"Well... Ang corny kasi! Tsaka, first time ko to!"
Bumagsak nalang ang tingin ko sa mga paa kong panay lang sa paglakad.
Natahimik naman bigla si Gino pero bigla kong naramdaman ang paghigpit pa lalo ng hawak nya sa kanang kamay ko.
"Corny ba talaga?" Natatawa nyang tanong.
"Oo eh! Pero ok lang! Minsan lang naman!"
"Huh? Wait! Aba hah! Ang bait mo yata ngayon sakin?"
"Tsss! You're trying your best to change and be a sweet gentleman so i'll try my best naman to be a decent girl for you! To be kind sayo for a change!"
Napahinto ako sa paglalakad ng tumigil rin sya.
"No Nao!"
"H-huh?"
"You don't need to change!"
"Eh? Try lang! You're trying to change rin eh! For the better naman yata yan!"
"Tsk! Tsk!" Kinuha nya pa ang isa kong kamay at magkaharap na kami ngayon habang magkahawak pa ang kamay.
"You know what? Yang katarayan mo? Yang kasungitan mo? Jan kita minahal! Siguro masokista ako! Dahil habang sinasaktan mo ko sa mga lumalabas na pagtataray sa bibig mo, mas lalo akong nababaliw sayo! Mas lalo kitang minamahal!"
Shems! Mahangin naman at di na ganun ka-araw pero parang nagiinit yung pisngi ko!
"You're blushing baby!" Nakangisi pang dugtong ni Gino.
Tinitigan ko sya ng mata sa mata bago ako umiwas. Kinalas ko yung pagkakahawak nya sa mga kamay ko at napatalikod nalang sakanya.
"My god, Gino! Gusto kong sabihin na ang drama mo! Ang corny mo! Pero feeling ko... Kinikilig ako! Kainis! Ayoko!" Iritado kong ayon habang nakacrossarms pa.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
