Chapter Thirty

307 8 1
                                    

Selos.

NAOMI

One week!! One straight week!! Hindi parin mag-sink in sakin na nandito sila! Nandito sya! Lagi ko ng kasama! Di umaalis sa tabi ko! Nakakairita na pero pag wala naman sya, hindi agad ako mapakali! Ugh!!

"HUY!!--"

"Put-- Ugh!! Mayumi!!"

"Hala! Mapapamura ka na jan?! Haha! Okay! Sorry! Tulala ka kasi! Problema mo?"

"Wala ah!"

"Sus?!"

"Wala nga!"

"Edi wala! Bilis mo na mapikon ah?"

"Kasi naman-- Ugh!! Basta wala sabi!!"

"Okay! Okay! Chill~"

Tsk! Nandito lang kami ni Yumi sa audience seat sa harapan ng track and field ng school. May klase pa sila Donny, si Gino naman, biglang nawala! Tsk!

Ewan ko rin kung bakit ang bilis bilis ko ngayong mapikon! Konting kibot, naiinis ako agad! Actually, di naman ako ganito kanina! All of a sudden naging ganito na mood ko! Kainis!

"Nao?"

Napalingon ako sa tumawag sakin na syempre, si Yumi. Tinawag nya ko pero nakatingin parin sya sa binabasa nyang book!

"Oh?!" Tanong ko.

"Nagusap na kayo ni Gino?!"

Hindi ako agad nakasagot. Napatitig lang ako kay Yumi na talaga namang tutok parin sa binabasa nya! Pano nya yun nagagawa? Tinatanong, kinakausap nya ko pero tuloy parin sya sa pagbabasa!

"B-bakit?" Alanganin kong tanong.

"Naaalala ko yung nakwento mo sakin! Nagpromise ka kay Gino diba? Ano ng nangyari? Nagkita ulit kayo, unexpectedly!"

"Yumi--"

"You know what?!" Saglit tumigil si Yumi kasi sinara na nya yung librong binabasa nya at tumingin na sakin.

"Can't you see? Binigyan kayo ng second chance oh! In the first place, gusto nyo na naman ang isa't isa diba? Nagkataon lang na ikaw, ayaw mong sumugal! And sya naman, sunud-sunuran sa gusto mo!"

Napaiwas ako ng tingin sabay buntong hininga! Nakakainis! Nasa punto nanaman tong si Yumi! Ayoko ng ganito sya kasi mapapaisip ka talaga sa mga sinasabi nya! Sasakit lang ulo mo! Kainis!!

"A-ang sabi nya naman eh, Pag nasa tamang panahon at tamang lugar na! S-siguro wala parin kaya... You know? Hindi nya pa nababanggit?"

"Well... Kung di nya mabanggit, Edi ikaw na magopen nun!"

"Wow? Parang ang dali nun Yumi ah?"

"Madali lang naman talaga! You only need some guts! Pero... Tsk! You're Naomi Imperial for crying out loud! Malakas ang loob mo! May guts ka na mula pa noon!"

Hindi ako nakasagot agad! Napangiti ako ng makitang nakatitig lang sakin si Yumi habang nakangiti pa!

"Don't worry! I'll handle this Yumi! Pero... Jan ka lang ah? Kahit anong mangyari, kapag di ko na alam ang gagawin, Alam mo namang sayo lang ako tatakbo para humingi ng tulong--"

"Sakin? Really? Hindi kay Donny?"

"Sus! Si Donny all-around na yun! Haha! Pero alam mo namang pag dating sa mga ganito, mas nacoconvince mo ko!"

"Sus! Oo na! Naku! Tama na to Nao! Di bagay sayo seryoso! Inaagawan mo ko ng role dito!"

"Ay kaloka! Alam ko namang di bagay sakin noh! Try lang? Haha"

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon