Sitio Cresente
DONNALYN
Ilang oras narin ang lumipas. Ang sakit na ng likod ko! Tulog si Aly sa backseat and si Yumi naman nagbabasa lang ng libro dito sa tabi ko kasi kanina sya naman na ang nag-drive.
"Huy?! Pano mo nagagawang makapagbasa pa habang ako kinakabahan na?!" Tanong ko kay Yumi ng di parin inaalis ang tingin sa kalsada.
"Hmm... This helps me to calm down!"
"So? You're saying na nagaalala ka rin kay Nao?"
"Donny! Ano bang klaseng tanong yan?! Syempre, Oo!"
"Ahh! Sorry naman! Eh kasi diba nung huli kayong nagusap, nagkatampuhan kayo!"
"Ganun lang yun! Hindi naman ako pwedeng magalit or magtampo sainyo ng matagal! Tsaka, she's not in a good condition kaya magaalala talaga ko lalo sa ginagawa nya ngayon!"
"You're really nice! Well, to us!"
"Huh? What do you mean? Masama ba ko sa iba?"
"Uy hindi! Uhm.. Ewan ko lang? Iba ka samin kesa sa iba nating friends!"
"Well... They're our friends! But you three are my bestfriends! So syempre, iba ako sainyo!"
"You really love us noh?"
"Ofcourse naman! Kasi alam kong you love me too kaya-- Teka nga! Bakit parang nagdadrama na tayo dito?"
"Ay! Haha! Oo nga noh! Osige sige! Change topic nalang!"
Natahimik ako saglit pati narin si Yumi. Ewan ko ba? Bigla nalang akong naging senti! Tsk! Si Nao kasi eh! Kasalanan nya to! Natetest lalo ang friendship namin dahil sa nangyayare sakanya ngayon!
"Eto nalang Yumi! Uhm.. Anong stage nyo na ni Neal?"
"Hmm.. Why do i see that question coming?"
"Haha! Eh kasi alam mong wala na kong maiisip na ibang topic bukod dun!"
Narinig ko ang bahagyang paghagikgik ni Yumi.
"Fine! Hmm... Stage? Siguro getting more closer stage?"
"Ganun lang? Eh kung makadikit na nga sya sayo, oa na! Pero mas oa nung practice nyo nung volleyball! As in naiirita sya sa uniform nyo na maiksi ang shorts! At talaga namang kung makapag bilin sya na wag kang lalapit sa ibang lalaki, akala mo boyfriend na! Haha! Bakit ba ganun?!"
"Uhh... Ewan ko dun?!"
"Sus! Ano na nga? Yung totoo! Ano na bang nangyare? Nililigawan ka ba?"
"Ligaw? Hindi pa eh! Sinabi naman nya last time na pupunta daw sya sa bahay para sabihan ang parents ko diba? Kaso wala parin eh. Hmm... Pero alam mo? May sinabi sya sakin!"
"Huh? Ano? Kwento na! Dali! Para di ako antukin!"
Saglit kaming natawa ni Yumi.
"Kasi... Nagselos sya kay Cyle! Pero ang mas nakakashock for me, pinagselosan ko rin sila ni Meg--"
"Wait! What? Ikaw? Nagselos over Neal and Meg?! And wow huh? You're being really honest and straightforwarded to your feelings ngayon ah!"
"Tsss! Wag ka ngang mangasar jan!!"
"Haha! Okay! Fine! Osige continue na!"
"Hmm.. Ayun nga! Tapos kasi, naaalala mo yung nagwalkout ako kasi nga nagselos ako nung nilalandi sya ni Meg infront of us--"
"Ay! Naaalala ko yan! Oh tapos?"
"Tapos hindi ako nun nakapasok ng isang subject ko kasi hinabol nya ko and dinala sa isang open park! Ayun na!"
"Anong ayun na? Linawin mo kaya!"
"Hayyy... Sabi nya nun, we'll make a deal daw! Wag na wag daw akong makikipagusap kahit kaninong lalake lalo na kay Cyle, and sya, ganun rin lalo na kay Meg!"
"Really?? Oh my gosh! So? Anong meaning nun? He's yours and you're only for him? Ganun?"
"Parang?--"
"OHH EMM GEE!!!"
Agad akong napapreno dahil sa gulat! Halos tumilapon kami ni Yumi palabas ng bintana sa lakas ng impact.
"What the-- Aly!!!" Sigaw ni Yumi.
"Oh my gosh! I'm so sorry!!" Natatarantang sagot ni Aly.
"Donny! Are you okay?" Tanong ni Yumi habang hinihimas ang balikat ko.
"Y-yeah! Ugh!! Ano bang trip mo Aly?! Bigla bigla kang sumisigaw! Kung nasa zigzag road lang tayo, siguro deads na tayo ngayon!"
"Uy Donny naman! Sorry na! I'm just listening kasi kanina pa! Kinilig lang ako! Sorry na talaga!"
Kulang nalang biyakin na namin ang ulo ni Aly kakahampas dito. Kainis! Nakakatakot pa naman yung ganitong feeling! Ang bilis parin ng heartbeat ko!
Saglit pa kaming huminto para mapakalma ako. Nagsuggest si Yumi na sya nalang daw ulit magdidrive kaso i want to be fair.
"Oh! Wala ng sisigaw ah! Kainis!" Iritang ayon ni Yumi ng mapaandar ko na ulit ang kotse.
Ilang oras ang dumaan, sa wakas! Natatanaw na namin ang arko na may pangalan ng Sitio.
We're back... For a while.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.