Not close.DONNALYN
Niyaya ko ng umuwi si Sid.. 3pm na eh! Tsaka, baka gusto ng magmeryenda nung mga naiwan namin sa bahay! Mabuti ng sabay-sabay kami!
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Sid. Napaka tagal ng panahon na hindi kami nagkasama nitong bestfriend ko! Ang dami nyang kwento at ganun rin ako! Nakakatuwa.
Natatanaw ko na yung bahay namin. Nakita kong may tao sa labas-- Oh! Nasa labas ng bahay si Yumi at Neal!
Nakahiga si Neal sa mahabang bamboo seat na parang pang-sofa ang haba! Si Yumi naman, nakaupo sa hagdanan habang nagbabasa. Bat nasa labas tong dalawang to?--
*BOOOOGSH!!!*
Nagkatingan kami ni Sid dahil sa kalabog na narinig namin na malamang galing sa loob ng bahay. Kumaripas kami agad ng takbo!
"Yumi/Neal!!" Sabay naming ayon ni Sid.
"Hmm?" Tanong ni Neal.
"What?" Tanong naman ni Yumi.
"Anong nangyayare sa loob?!" Taranta kong tanong.
"Malay! Nandito ako sa labas eh! Pano ko malalaman?"
"Mayumi!! Umiiral nanaman yang kapilosopohan mo! Ano ngang nangyayare sa loob?!!"
"Ewan ko nga Donny! Tama naman sinabi ko ah? Nandito lang ako sa labas! So pano ko nga malalaman?!" Nakangisi ng sagot ni Yumi. Pumikit nalang ako dahil sa pagtitimpi ko.
"Neal!?" Biglang tawag naman ni Sid kay Neal.
"Oh?"
"Anong nangyayare sa loob?!"
"Narinig mo sagot nya diba? Yun din sagot ko!"
"Jusko naman kayong dalawa!!!" Naiinis na talaga ko.
"Teka!! Nasan ba si Manang Chiki?!" Inis ko pang tanong.
"Umalis! Namalengke!" Sagot ni Yumi.
"Kasama si Mang Chito!" Dugtong naman ni Neal.
"Huh? Really?" Tanong ko. Parang nalusaw bigla yung inis ko dahil sa nalaman ko! Shems! Magkasama silang dalawa! Date na ba yun?
"Yumi! Sila talagang dalawa magkasama? As in? Magdadate na ba sila?" Nakangiti kong tanong.
"Date? Sa palengke? Seryoso ka jan Donny?"
"Kahit na! Basta sila lang magkasama pwede ng tawaging date yun--"
"BWISIT KA TALAGAAAAA!!!"
Nagulat ako sa sigaw na narinig ko! Boses ni Nao yun! Ano na bang nangyayare? Baka nagpapatayan na yung apat sa loob ng bahay? Tsk!
"Ano na Donny? Chichikahin mo muna ba ko tungkol sa ChiChi lovers nyo or aawatin mo na yung apat na nagrarambulan sa taas?!" Walang emosyong tanong ni Yumi. Sinamaan ko lang sya ng tingin bago tuluyang yayain si Sid na umakyat na.
"AAAAAAARGH!!!!" Bumungad sakin ang tumatakbong si Nao na galit na galit na hinahabol si Gino. Si Aly naman, nakasabunot na kay Chino habang kinukulong pa sa mga binti nya ang katawan ni Chino para di makakawala!
Kunot-noo kaming nagkatinginan ni Sid. Ewan ko kung ako ba ang sisigaw or--
"TIGIIIIIIILLL!!!!" Tumaas lahat ng balahibo ko dahil sa pagsigaw ni Sid. To think na ang laki ng boses nya tapos sisigaw sya ng ganun! Grabe!!
Pero salamat narin dahil agad na huminto sa pagrarambulan yung apat. Ugh!! Grabe!! Para kaming may alagang mga batang matitigas ang ulo!!
"Ano ba?! Anong nangyayare dito? Kulang nalang magpatayan na kayo ah!!" Pasigaw parin na tanong ni Sid. Woah! Hindi ko alam na may ganito syang side.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficção GeralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.