Wala ng sisimulan.DONNALYN
Days, weeks passed. Nakahiga na ko at ready na sana kong matulog.
Kaso ayaw pa pumikit nitong mga mata ko! Parang may gusto akong gawin na hindi ko alam kung ano? Ugh!! Ano nga ba yun??
Literally, Nakatulala nalang ako ngayon sa kisame. Hmm...
Wait!
Alam ko na!!! Tatanungin ko pa nga pala yung tatlo about sa nangyari na sakanila! Yun nga pala! Kaya siguro di ako makatulog! Ilang linggo narin ang lumipas ah?
Agad-agad akong lumabas ng kwarto. Hindi na ko nagabala pang katukin sila at sabay bukas nalang sa mga pintuan nila.
"Nao!! Bangon! Sumunod ka sa room ko!"
"Aly!! Go to my room! Hurry!"
"Yumi! In my room! Now!"
Isa-isa kong utos sakanila then dumeretcho na ko sa room ko.
Hindi naman naginarte yung tatlo at pumunta na nga dito sa kwarto ko. Pabilog kaming nakaupo ngayon sa bed ko.
"So? Ano na? Aly!! You go first!" Agad kong ayon.
"Huh? Hmm... I-i dont wanna ask him na! You know? Nevermind nalang!"
"Are you sure? Final decision mo na ba yan?"
"Yup! Kaya ko naman mag-move on dun sa tao! You know? I realize na baka infatuation lang to! Kakakilala ko lang sakanya, right?"
"Hmm... You have a point there! Well, You know what? I'm actually impressed huh? You're now talking like a matured young-lady! Keep that up!" Ngumiti lang sakin si Aly. Mas lalo ko naman syang nginitian since nakikita ko sa mga mata nya na sigurado na sya sa desisyon nya! Good girl Alysson!
"Okay! Ngayon naman, ikaw Nao! Ano ng balita?"
"Hmm.. Kinausap ko na sya sa field nung isang araw!"
"So? Anong nangyare?"
"Sinabi nya na... Na sincere daw sya! He really do like me and i have this urge of believing him na kasi nakita ko yun sa mga mata nya that time!"
"Really?" Paningit ni Aly.
"Yeah! Kaya lang! Di nya alam yun!"
"Ang alin?" Tanong pa ni Aly.
"Na... Na naniniwala na ko sa sinabi nya! Kasi... Nung time rin na yun! Ang huli ko lang na sinabi sakanya eh pagiisipan ko pa! Pagiisipan ko pa kung maniniwala na ba ko sakanya!"
"Wow Nao huh? You're so arte pa? Sus!"
"Hoy bruha! Di porke naudlot yang lovelife mo, pakekelaman mo naman tong sakin!"
"Ay sus! Ayan na! You're saying it na! May lovelife ka na! Ayiiiiee! Dalaga ka na Nao!"
"Isa pa Aly! Wag kang epal hah! Ibalibag kita jan nakita mo!"
"Oops! Oops! Tama na yan uy! Hmm... Eh ano na nga bang plano mo Nao?" Paningit ko.
"Hindi ko nga alam eh!"
"Hay naku! Pagisipan mo na yan! Nabigyan ka na nya ng assurance so ikaw naman ang magbigay sakanya ngayon ng closure! Baka naghihintay na sa sagot mo yun! Ikaw rin?"
"Yes Donny! Gusto ko lang kasi na magsasalita na ulit ako sakanya pag sure na talaga ako! Ayaw ko naman magpadalos dalos!"
"I understand! And i'm happy for you! Mukhang simula na to Nao ah?" May pangaasar kong ayon.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Tiểu Thuyết ChungSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.