Titigan. Ngitian.MAYUMI
Ugh!!! Parang mabibiyak na tong ulo ko sa sakit! Kainis! Kaya ayoko ng sumama eh! Masyado lang kasing mapilit si Donny! Ugh!
Bumaba ako para kumuha ng tubig! Shems! Ang lamig masyado ah! Napatingin ako sa orasan ko. 5pm palang pala pero ang lamig lamig na! Pambihira!
"You're awake!" Napalingon ako sa may sala. Bat magisa to dito?
Hindi ko sya sinagot at dumeretcho na sa kitchen. Kumuha ako ng tubig at dinala yun sa sala. Naiwan ko dun yung side bag ko at kailangan ko ng magtext sa parents ko.
Kinuha ko yung bag ko at umupo sa kabilang dulo lang ng sofa na inuupuan ni Neal.
"Okay ka na?" Bigla nyang tanong kaya napalingon ako sakanya.
"Yeah!"
"Gutom ka?"
"Hindi pa naman!"
"Ahh! Pahinga ka lang daw!"
"Ok! Thanks!"
Wala naman akong nararamdaman na pagka-ilang kay Neal ngayon. Parang ganun lang rin yata sya. Hmmm... Mabuti na siguro to?
Nahanap ko na ang phone ko kaya naman nagtext na ko kay mommy at daddy. Pagkatapos, binalik ko nalang ulit sa bag ko yung phone ko at sinabayan manood si Neal.
Buti comedy tong pinapanood ni Neal! I sure need some laughter sa ngayon.
Tahimik kaming nanonood ni Neal. Sabay rin kaming natatawa pag syempre, nakakatawa yung scene!
Nang matapos ang movie. Nagkatinginan lang kami ni Neal. Ewan ko pero bigla kaming nagngitian at nagtawanan.
"Ano? Gutom ka na?" Tanong pa ni Neal habang pinapahupa yung pagtawa nya.
"Nah! Okay lang ako! Tsaka na tayo kumain pagkasama na natin yung anim!" Sagot ko naman habang nakangiti pa.
Biglang tumayo si Neal at pumunta sa harapan ko.
"Tara? Jan lang sa labas! Pahangin tayo?" Yaya nya sakin habang nakalahad pa yung kamay nya.
Napatingin muna ko sakanya at sa kamay nya bago ko yun hawakan at ngumiti lang.
May upuan sa labas ng bahay nila Donny. Refreshing kaya masarap tambayan.
Natahimik lang kami ni Neal sabay naman nun yung biglang paghangin ng malakas.
"Ayoko sana to ibring-up pa! Pero... Neal! Sorry huh?" Pambasag ko sa katahimikan namin pero di ko sya tinitignan.
"Sorry san?" Tanong nya. Alam ko namang alam na nya kung saan ako nagsosorry! Kunwari pa!
"Sorry sa mga nasabi ko! Sa lahat! Ewan ko, Nahihirapan yata ko sabihin kung anong kinikimkim ko!"
"Sus! Ok lang! Pero pag ready ka na magsabi! Just tell me! Makikinig lang ako!"
Nilingon ko sya sabay ngiti! Para na kaming ewan ngayon na nagngingitian lang.
"Hey! Hey! Hey!" Sabay kaming napatingin ni Neal sa nagsalita. Si Gino pala!
"Oh! Ok ka na ba?" Tanong sakin ni Sid.
"Yup! Nakapagpahinga na ko!" Sagot ko pero biglang tumakbo si Donny at niyakap ako.
"Sorry! Sorry talaga Yumi! Kung alam ko namang masama talaga pakiramdam mo--"
"Tumigil ka na nga Donny! Nakakahiya ka oh!"
"Eh bat ba? Sorry na talaga!"
"Oo na! Oo na!" Natatawa ko ng sagot.
"Umuwi lang kami para daanan kayong dalawa! Tara na? Kain tayo sa labas!" Nakangiting ayon ni Nao samin.
Ewan ko pero nagkatinginan nanaman kami ni Neal sabay nagngitian! Ano bang nangyayare samin? Para na kaming baliw!
Sumama na kami dun sa anim pagpasok sa van.
"Uy! Gino! Dun ka sa likod!" Angal ni Nao.
"Wag na! Tabi na tayo!" Parang mapangasar pang sagot ni Gino.
"Sige na! Dun nalang ako sa likod!" Sabi ko nalang! Baka mamaya magkagulo pa.
Nang makaupo narin si Neal sa likod. Inangat na bigla ni Chino yung maliit na chair na naging daanan namin ni Neal.
"Uy! Ano? Apat tayo dito?" Angal ni Gino.
"Tatabi ako kay Aly!" Sagot agad ni Chino.
"Masikip na bro!!"
"Edi ikaw ang lumipat!"
"Ano ba yan?! Bilisan nyo na nga jan!!" Sigaw bigla ni Sid.
Nag-aangalan parin yung dalawa. Kaso sabay silang natahimik ng biglang tamayo si Nao at biglang lumusot papunta sa likod.
"Urong nga Yumi!" Ayon sakin ni Nao na sinunod ko naman.
"U-uy! Teka! Nao!" Ayon ni Gino.
"Ang gulo nyo masyado! Ako nalang dito! Sige na Chino, pumasok ka na ng makaalis na tayo!"
"Nao naman--"
"Pwede ba Gino?! Kanina ka pa kaya! Ang gulo gulo mo! Para kang ewan! Manahimik ka jan!"
"Tsk! Chino kasi eh! Kainis!"
Medyo natatawa lang ako kay Gino. Pinipilit nya talaga ang sarili nya kay Nao! Ang cute nila!
"Oh! Kayong dalawa jan!" Biglang baling ni Nao saming dalawa ni Neal.
"Why?/Bakit?" Sabay na tanong namin ni Neal.
"Tss! Naiwan lang kayo saglit kanina sa bahay, ngayon, magka-holding hands na kayo! Ayos ah!" Nakangising sagot ni Nao.
Napakunot ang noo ko ng tumingin ako kay Neal, ganun rin ang expression nya! Sabay rin kaming napatingin sa mga kamay namin--
Shems!! Oo nga! Agad kaming naghiwalay ng paghawak ng kamay then nagtinginan nalang. Imbes na magkahiyaan, napapangiti nalang kami!
Seryoso! Paulit-ulit lang yata ang ginagawa naming dalawa ah! Magtitinginan tapos biglang magngingitian! Jusko naman!
Why do i have this feeling na unti unti at dahan-dahan kaming bumabalik sa dati ni Neal? Yung noon sa sitio? Yung wala pang sakitan na nangyayari! Yung kahit papano ay masasabi kong...
Naging close na kami!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.