Sign.
NAOMI
Hindi ako makatulog kaya kinuha ko yung isang upuan at hinila papunta sa may bintana. Nakaupo lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nakatingin lang ako sa langit. Kung kanina blankong blanko ang utak ko, ngayon naman isa lang ang sinisigaw nito.
Papanindigan ko na to!
Pakiramdam ko na parang may sariling utak ang kamay ko at agad kong ipinatong yun sa tyan ko. May laman na to! May baby na ko! Magiging mommy na ko for good!
Kusang gumuguhit ang ngiti sa labi ko. Siguro ang isipin ko na may ganitong blessing na dumating sakin, ang saya pala! Oo may takot! Pero ngayon konti nalang. Ang daming nakaalalay sakin kaya siguro bumabalik ang tapang ko.
Napayuko at napatingin ako sa tyan ko sabay himas rito.
Tapos na ang pagiging bata mo Nao! Kailangan mo ng magmatured! May bata ka ng dala dala ngayon kaya tapos na ang paglalaro. Seryoso na to!
"Kaya natin to Baby! Kapit ka lang ng mabuti jan!" Medyo pabulong kong ayon habang pinagmamasdan parin ang tyan ko.
This is it! Kaya ko to!
* * *
Unti-unting dumidilat ang mata ko kasi para bang may nararamdaman akong katabi ko. May humihimas sa ulo ko.
"Hmmmm~"
"Baby?"
"Uhhhh~ G-gino?"
Tumigil ako sa pagsasalita at naupo bigla. Anong ginagawa nito dito? Pano nya naman nalaman na nandito ako?
"Goodmorning Baby!"
Di maalis ang tingin ko sakanya. Lalo na sa labi nya na nakangiti ng matamis sakin.
"A-anong..."
"Ssshhh! Ang importante nandito na ko! Nandito lang ako para sayo at sa magiging baby natin!"
Medyo kumunot ang noo ko at parang di makapaniwala sa sinabi nya. Ano raw yun? Alam na ba nya?--
"GINO!!!"
Halos mapabalikwas ako sa higaan ko sa bigla kong pagbangon!
Ugh!! Panaginip?? Pero bakit parang totoo? Tsk! Siguro sign yun? Ugh! Sign? Ngayon pa ba ko maniniwala sa mga ganun? Ang tanda ko na! Jusko!
Hindi ko nalang inintindi nung panaginip ko. Dumeretcho ako sa cr kasi bumabaliktad nanaman ang sikmura ko. Oo na! Alam ko ng buntis ako! Pero kailan ba to matatapos? Duwal ako ng duwal! Ang oa na!
Sinabayan ko na ng ligo para umaliwalas naman ang pakiramdam ko. Di pa naman ganun kataas ang araw pero parang init na init ako.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ko at naabutan ko si Donny sa kitchen na nagtitimpla ng gatas.
"Uy!! Goodmorning!" Nakangiti nyang bungad sakin.
"Goodmorning din!" Nginitian ko rin sya.
"Hmm... Medyo blooming ah! Ok ka na?"
"Actually, yes! Alam ko na ngayon ang dapat kong gawin!"
Natigilan saglit si Donny. Nilingon nya ko habang unti unting ngumingiti. Para naman syang naging isip bata at agad na lumapit sa counter ng kitchen at tinukod yung siko nya dun sabay nangalumbaba na parang nagpapacute pa!
"Really? Eh ano bang desisyon mo?" Tanong nya na medyo nanlalaki pa ang mga mata.
"Hmm... I'm gonna have this baby!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficção GeralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.