Sorry.
MAYUMI
Ayaw lumakad ng mga paa ko! Lalapit na ba talaga ako? Gagawin ko na as in ngayon na? Kainis! Naguguluhan parin talaga ako!
Tumingin ako sa apat at parang pinagdedesisyon ko sila sa kung ano bang dapat kong gawin.
"Sige na!" Nakangiting sabi ni Donny.
"Go Yumi! Now's the time!" Ayon naman ni Aly.
"It's your turn na! Ayusin mo na yan!" Ayon naman ni Nao.
"Magiging okay ang lahat Yumi! Basta ayusin muna ang dapat ayusin! Kaya mo yan!" Malumanay naman na ayon ni Manang Chiki. Nalaman na naman kasi nya lahat eh!
Nilingon ko ulit si Neal na hanggang ngayon ay nakatitig lang sakin.
"We need to talk, Neal!" Sabi ko lang.
Tumingin ulit ako dun sa apat bago tuluyang lumapit kay Neal.
Sinabi kong dalhin nya ulit ako dun sa may puno kung saan nya ko dinala nung nakaraang fiesta!
Katahimikan! Eto lang ang meron kami ngayon ni Neal. Nakaupo kami sa swing at walang nagsasalita kahit sino samin. Well, ako nalang ang babasag sa katahimikan namin.
"Bakit Neal?!" Tanong ko sabay lingon sakanya. Ganun rin naman sya at may pagtataka pa sa expression nya.
"Bakit ang dami mong sinasabi na di ko maintindihan? Ang daming puzzle na hindi ko mabuo! Ang daming lines na hindi ko ma-connect sa isa't isa! Naguguluhan na ko!"
"Then ask me anything! Sasagutin ko ng diretcho!" Malamig na sagot ni Neal kaya mas nagkaron na ako ng lakas ng loob! Eto na yun!
"Nung nasa rancho tayo! Nung muntik na kong mahulig sa kabayo! Anong ibig mong sabihin nung sinabi mong akala mo mawawala na naman ako sayo?"
"Simple! Yumi, minsan ka ng nawala sakin! Ayoko na ulit yun mangyari!"
"What? Anong ibig mong sabihin?"
"Nung umalis kayo at di na bumalik dito, yun ang unang beses na iniwan mo ko! Oo hindi tayo magkaibigan, di tayo close! Pero masakit Yumi!"
"Bakit? Sabi mo nga, di naman tayo kahit magkaibigan lang! So bakit masakit?"
"Kasi... Nun pa man, gustong gusto na kita!"
Magsasalita na ulit ako pero eto nanaman ang pagurong ng dila ko! G-gusto nya ko? Panong gusto? Gustong maging kaibigan or... Gusto as in... Yung gusto talaga?
I shook my head. Masyado akong assuming! Isa pang tanong Yumi! Itanong mo na lahat ng gusto mo! Mamaya na ang ibang bagay!
"Hmm... Nung nilayo mo ko kay Felix! Anong ibig mong sabihin na nakaaligid sya sa pagaari mo?"
"Yumi... Sinabi ko na! G-gusto kita! K-kaya ayokong may ibang umaaligid sayo! Ako lang Yumi! Ako lang!"
Parang nagpintig yung tenga ko sa narinig ko!
Teka! Inaangkin nya ko? Bakit? Kami ba? Sabihin na nating may gusto sya sakin pero... Ano? Kami ba?
"You're being too selfish Neal... Hindi tayo!"
"A-alam ko! P-pero--"
"Stop it! Kung ano man yan, tumigil ka na!"
Tumayo ako at akmang aalis na pero hinagit ni Neal yung wrist ko sabay hila sakin para yakapin.
"Wag Yumi! Iiwan mo na naman ako! Masakit na! Mahirap maghintay lalo na't wala akong assurance kung babalik ka pa ba!"
"N-neal!! B-bitiwan mo nga a-ako!!" Parang walang naririnig si Neal at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sakin.
Mali ito, Yumi! Maling mali! Teka! Ako ba o sya ang Mali? Ugh!! Ewan pero alam kong mali!
Ayoko ng may malaman pang kung ano! Mahihirapan din ako at di ko yun gusto! Ang gusto ko, bumalik na lahat sa normal! At mangyayari yun... Simula bukas!
Pinilit kong itulak sya hanggang sa wakas eh nakaalis na ko sa yakap nya.
"Yumi--"
"You listen to me Jonneal Aldama! Hindi kita boyfriend! Hindi mo ko girlfriend! Wag mong isumbat sakin na nahirapan kang maghintay sakin when in the first place, wala naman akong sinabing maghintay ka! Wag mo rin akong ipagdamot sa iba dahil hindi ako sayo!!!" Napataas ang tono ko.
Naiinis ako sa inaasal ni Neal! Ayoko ng ganito!
Sabihin na nating... Sige! Fine! Oo at nagkagusto ako sakanya dahil sa biglaan naming closeness! Dahil sa pakiramdam ko ligtas ako pag sya ang kasama ko! Dahil nagawa nya kong mapangiti noon! Pero hindi ibig sabihin nun na ok na to sakin! Ayoko!
"Yumi! Hinintay kita kasi gusto ko! Hindi kita sinusumbatan! Sinasabi ko lang sayo! Hindi yun madali--"
"Eh sino nga kasing nagsabi sayo na hintayin mo ko? Neal, we've never been friends!" I pause para huminga saglit.
"Ayoko sayo! Kung sinasabi mong may gusto ka sakin, well the feeling is clearly not mutual! One sided love yang pinapairal mo! Ngayon, kung masasaktan ka, wag kang magreklamo! Ikaw ang pumili nyan! Labas ako jan!"
"Tama na Yum--"
"At isa pa! Kung alam mo ng di madali, gamitin mo na yang utak mo at tumigil ka na! Gagawa-gawa ka ng isang bagay na alam mong mahirap tapos ngayon magrereklamo ka--"
"Tama na--"
"Hindi! Kailangan mo tong marinig lahat Neal para matapos na yang kahibangan mo! Wala kang aasahan sakin Neal! Baka bigla mo pa kong sabihan ng paasa! Ang kapal naman na ng mukha mo kung ganun--"
"MAYUMI!!! TAMA NA!!!"
Hindi na ko nakapagsalita pa dahil sa pagsigaw nya.
"Yumi... Ang sakit sakit mo ng magsalita--"
"Hindi ako masakit magsalita, nagiging totoo lang ako--"
"Then f*ck that honesty of yours! Sana naman iconsider mo na may pakiramdam rin ako! Nasasaktan ako sa ginagawa mo Yumi! Sa lahat ng sinabi mo! Ang sakit!"
Napansin kong napapaiyak na sya! Umalis ka na Yumi! Masyado mo na syang nasaktan!
Tumalikod na ko at aalis na sana pero again, hinawakan nya yung wrist ko.
"Gusto ko lang maging akin ka! *sob* Gusto ko lang namang maging tayo--"
"Neal!!" Nilingon ko sya sabay tanggal sa pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Baliw ka na! Tigilan mo na to! Umayos ka na! Hindi yan mangyayari! Hindi ako magiging sayo! So, Get your life back and start a new beginning! I'm not worth waiting for coz i'm not the one for you!" I pause.
"Beginning Today, Pinuputol ko na ang lahat ng connection natin sa isa't isa! At tandaan mo... Hindi naging tayo at mas lalong... Hinding hindi magiging tayo!" Mahinahon pero may awtoridad kong ayon.
Bumagsak at napaluhod nalang bigla si Neal sa damuhan.
Umikot ako at tumalikod na sakanya ng tuluyan sabay nagsimulang maglakad palayo at pabalik sa bahay.
Nakatakip lang ang palad ko sa bibig ko para di nya marinig ang paghikbi ko. Ayokong malaman nyang iniiyakan ko sya! Hindi sya maniniwala sa mga sinabi ko kung malaman nya!
Grabe! Ang sama sama ko! Nagawa ko lahat yun! Pero may choice ba ko? Anong gagawin ko? Tanggapin sya dahil ang totoo eh yun din talaga ang gusto kong gawin? Shems!
I'm inlove with you Jonneal Aldama! But i wont let you do stupid things for me anymore! Mas okay ng kamuhian mo ko at layuan! Kesa malaman kong pilit mo kong hinihintay kahit ang totoo, wala kang hihintayin!
This hurts for me But i'm sure, this hurts alot more for Neal.
I'm so sorry!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiction généraleSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.