Chapter Sixty-Three

76 3 2
                                    

Point of view.

NAOMI

Nagkakatinginan lang kami ni Gino habang nanonood sa mga mommy namin kung pano nila kausapin yung isang designer.

Pinaplano na nila yung para sa wedding namin after graduation. Naiirita ko pero at the same time, natutuwa ako kasi parang ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang mommy ko.

Naayos na kasi yung susuotin namin ni Gino para sa student's night kaya para naman sa wedding ang preparation. Kaloka!

"Anong color ng motif? Anak? Blue ang favorite color mo diba?" Tanong sakin ni mommy.

"Mare! Napaka-mainstream naman yata ng blue na motif? Sana yung bago sa paningin ng iba! Yung bibihira ang gumagamit nang ganung color combination!" Ayon naman ni tita Gienette.

"Mom! Tita! Anything will do po! Kayo ng bahala! Basta dun po sa mapagkakasunduan nyo! Walang samaan ng loob!" Nangingiting ayon ni Gino.

"Oo nga po! Actually, di naman po namin gusto ng masyadong bongga na wedding! A simple one will do!" Ayon ko naman

"Ay hindi yun pwede!" Sabay na ayon ni mommy at tita.

"P-po?" Taka kong tanong.

"Nagiisa lang namin kayong anak! Kailangan engrande ang lahat! Isang beses lang to mangyayari! Bayaan nyo na naman kaming ayusin ang lahat!" Parang bata na ayon ni Tita Gienette. Ang cute nya.

"Okay po! Sige! Kayo po bahala!" Nakangiti nalang na sagot ni Gino sabay pulupot ng yakap sa bewang ko. May bewang pa nga ba ko? Jusko! Bumobola na yung tyan ko! Di bagay sakin! Tsk!

"Naaalala ko nung inaayos namin ang kasal namin ni Jayson noon! Hayyy... Ang bilis ng panahon!" Ayon ni Tita Gienette habang nakatuon ang pansin sa magazine na pinagpipilian nila ng motif.

"Kahit ako mare! Naku! Nakita mo si Romi nun?! Halos ma-stress na sya mabigay lang yung dream wedding ko!" Natatawang ayon naman ni mommy.

Nagkwentuhan silang dalawa sa past nila and sa wedding nila noon. Nakakatuwa kasi alam na alam nila ang nangyari sa isa't isa noon at hanggang ngayon!

Ganyan ang friendship na gusto ko! Yung kahit kanya-kanya na at may mga asawa na, solid parin! That's why i really admire our parents' friendship! Later on, ganyan rin ang magiging history naming magkakaibigan.

ALYSSON

"Mom! Color pink po na dress hanapin natin!" Sabi ko kay mommy habang kasabay sya maglakad.

We're at the mall! Magshoshopping kami ng cocktail dress for our students' night.

"Ayaw mo ba ng ibang color?"

"Mom! Pink is my favorite color po! Yun nalang please? I look good in pink!"

"Hay naku! Di naman ako maarte, mas lalo na ang daddy mo! Kanino ka kaya nagmana?" Natatawang sabi ni mommy.

"Mom naman! Don't tell me... OMG! Ampon lang po ba ako? Gosh! Hindi po yun pwede mangya--"

"Alysson!! Anong ampon pinagsasabi mo jan? Ako nga tigil-tigilan mo kundi matatamaan ka sakin kahit nasa public place pa tayo!"

I zipped my mouth nalang! Ugh! This is really our mother-daughter bonding! Although mommy is super sungit talaga minsan, she's really cool parin! That's why i love her to bits!

I browse for some cute cocktail dress until i find the right one! Gosh! It's a pink dress with a sweetheart neckline and silver beading as the design! It looks perfect on me na kahit mommy ko napangiti the moment she saw me wearing the dress.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon